MANILA HOTEL ANG PINAKAMATANDANG HOTEL SA PILIPINAS

ANG Manila Hotel (Manila) ang pinakalumang five-star hotel sa buong Pilipinas. Ginawa ito noong 1909 ngunit hanggang sa kasalukuyan ay napakaganda pa rin nito at isa na mga nangunguna sa magandang serbisyo sa bansa. Binuksan ito noong July 4, 1912 kasabay ng pagdiriwang ng American Independence. Sa panahon ng pamumuno ni Pres. Ferdinand Edralin Marcos, ang July 4 ay ginawang national holiday – ang Filipino-American Friendship Day.

Samantala, ang Hotel 101 Resort-Boracay na itatayo sa beachfront ng Boracay New-coast ang pinakamalaking hotel sa bansa, na mayroong 1,001-rooms. Itinayo ang nasabing hotel bilang tugon sa dami ng mga turistang dumarayo sa nasabing lugar. – SHANIA KATRINA MARTIN