MANILA, MAKATI NAKAUNA

MPBL Manila vs Pasig

SA LIKOD ng mainit na offensive shooting ni Carlo Lastimosa ay naitakas ng  Manila-Frontrow ang 91-88 panalo laban sa Pasig-Sta. Lucia sa Game 1 ng kanilang 2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season best-of-three quarterfinals series noong Martes sa San Andres Sports Complex.

Tumapos si Lastimosa, isa sa dalawa lamang na umiskor ng double digits para sa Stars,  na may 23 points sa 71.4 percent shooting mula sa field.

Naghahabol ng 12 points, sinindihan nina Pasig’s Marc Tamayo at Jeric Teng ang 8-0 offensive strike upang tapyasin ang bentahe ng Manila sa apat na puntos, 83-87, may 35 segundo sa orasan.

Naipasok ni Gabby Espinas ang dalawang charities upang muling makalayo ang Stars ngunit sumagot si Josan Nimes ng isang layup upang muling tapyasin ang kalamangan sa apat.

Sa sumunod na tagpo ay naisalpak ni Gian Abrigo ang 2-of-2 mula sa line para selyuhan ang panalo.

Naipasok naman ni Teng ang isang three-pointer, may liman se­gundo sa orasan, para sa final score.

“Yung mental toughness talaga ng mga player, ipinakita nila na kahit push comes to shove, nandoon sila,” wika ni Manila head coach Tino Pinat.

Nag-ambag si Espinas ng 11 points, 4 rebounds, at 2 assists, habang gumawa sina  Abrigo at Jollo Go ng tig-9 points para sa Manila.

Nagbuhos naman si Teng ng 30 points, 7 rebounds, at 5 assists para sa  Pasig.

Sisikapin ng Manila na tapusin ang serye habang pipilitin ng Pasig na mapalawig ito sa February 22 sa Makati Coliseum.

Sa unang laro ay pinangunahan ni Jong Baloria ang malaking fourth quarter rally upang bitbitin ang third seed Makati-Super Crunch laban sa sixth-seed Bulacan, 94-88, sa Game 1 ng kanilang sariling quarterfinals series.

Iskor:

Unang laro:

Makati-Super Crunch (94) – Baloria 20, Sedurifa 17, Ablaza 17, Torralba 15, Apinan 9, Atkins 6, Importante 3, Cruz 3, Lingganay 2, Villanueva 2.

Bulacan (88) – Diputado 17, Dela Cruz 17, Alabanza 13, Siruma 10, Escosio 7, Nermal 6, Capacio 6, Santos 6, Taganas 4, Arim 2, Alvarez 0, De Mesa 0.

QS: 15-24, 37-44, 62-66, 88-94.

Ikalawang laro:

Manila-Frontrow (91) – Lastimosa 23, Espinas 11, Abrigo 9, Go 9, Hayes 8, Dyke 7, Matias 6, Gabriel 5, Dionisio 4, Montilla 3, Bitoon 2.

Pasig-Sta. Lucia (88) – Teng 30, Nimes 19, Najorda 18, Manalang 11, Gotladera 6, Tamayo 4, Grealy 0, Chavenia 0, Velchez 0, Mendoza 0, Canon 0

QS: 19-26, 54-50, 72-68, 91-88