PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Lungsod ng Maynila sa pagpapasalamat at pagbibigay karangalan sa lahat ng mga guro kaugnay ng selebrasyon ng National Teachers’ Day.
Ayon kay Lacuna ang mga guro Ang may natatanging ambag at sakripisyo sa paghubog sa kinabukasan ng bansa kinabukasan upang ito ay magkaroon ng matatag na pundasyon sa pamamagitan ng mga natutulog kabataan.
Bilang mga edukador, sa kanilang mga balikat nakaalalay ang responsibilidad sa pagpapaunlad ng kinabukasan ng lider ng bansa sa lahat ng aspeto nito.
“I call on everyone to salute our teachers not only during National teachers’ Day but everyday. Our teachers do not only contribute to the development, knowledge and skills of their students. They also contribute to the moral framework of all our youth who carry their learnings up to the time they become adults and later pass this on to the young,” saad ni Lacuna.
Binigyang diin ni Lacuna na hindi pwedeng pasubalian na napakahalaga ng mga guro dahil s papel na kanilang ginagampanan bilang tagahubog ng mga mag-aaral bilang paghahanda sa kanila sa kung ano ang kanilang kinakaharap at upang magkaroon sila ng mas magandang kinabukasan at matupad nila ang kanilang mga ambisyon.
Nanawagan din ang alkalde sa mga magulang ng mga mag-aaral upang gamitin ang okasyon para pasalamatan ang mga guro na nagsisilbi bilang pangalawang magulang sa kanilang mga anak.
VERLIN RUIZ