MANILA NO.1 TRAVEL DESTINATION

Manila Mayor Isko Moreno

ANG Maynila ang top travel destination ng mga biyaherong Pinoy sa buong mundo.

Ito ay base sa  international booking website sa kanilang inilabas na year-end statistics na Singapore-based Agoda.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nagbubunga na unti-unti ang ginagawa niyang pagsusumikap na maisaayos ang Lungsod ng Maynila.

“We are starting to reap the fruits of our efforts. We must now focus on maintaining what we have begun. Nananawagan ako sa lahat na patuloy  na makipagtulungan para sa isang malinis at maayos na kapaligiran. Mas maaliwalas ang lungsod, mas marami ang turismo. Mas marami ang turismo, mas maraming trabaho at progreso,” ayon kay Moreno.

Ang positibong pagkilalang Agoda ay lalong nagbibigay sa kanya ng inspirasyon para mas lalong pagandahin at ayusin ang Maynila.

Nabatid sa Agoda na mula Enero hanggang Nobyembre, ang Filipinas ang pinakagustong bisitahing bansa na sinundan ng Japan at Hongkong.

Mas pinipili umano ng mga Filipino travelers na bumiyahe sa Filipinas sa halip na sa ibang panig ng mundo.

Kabilang sa 10 pinakagustong bisitahin  ng mga Filipinong biyahero ang Manila na nanguna sa listahan, Cebu, Palawan, Hong Kong, Baguio, Bohol, Davao, Tagaytay, Singapore atTokyo.

Nabatid na nagsimula nang maupo si Moreno sa pagkaalkalde may anim na buwan na ang nakakalipas nakuha ng Maynila ang atensiyon maging sa ibang bansa dahil sa mga positibong pagbabago na kanyang ginawa  sa kalinisan, restoration ng historical sites, anti-corruption drive at pagpapailaw sa mga lugar kung saan dating crime prone area.

Isinailalim na rin ni Moreno sa rehabilitasyon ang Bonifacio Shrine, inalis ang mga vendor, palanoy, at pinabanho ang maging ang mapanghi na lugar.

Gayundin, ang ginawang pagsasaayos sa makasaysayang Jones bridge na naging destinasyon na para sa photo shoot.

Nangunguna ang mga biyahero sa Japan, Thailand, at Malaysia  sa Asian country na bumisita sa bansa.

Habang ang UK, Italy, at France ang nanguna sa  European countries.

Nabatid na ang Agoda ay isang global online travel agency para sa hotels, vacation rentals, flights at airport transfer na nakabase sa Singapore. VERLIN RUIZ