MANILA NORTH CEMETERY NAGLABAS NG ISKEDYUL PARA SA UNDAS

BAGO pa dumating ang Araw ng mga Patay (All Saints Day) ay naglabas na agad ng  paalala ang pamunuan ng Manila Health Department (MHD) upang  magkaroon ng sapat na panahon na paghandaan ang pagtungo sa Manila North Cemetery  para sa Undas 2024.

Base sa inilabas na advisory may mayroon na lamang 20 araw para sa paglilinis, pagpipintura at pagsasaayos sa mga puntod  na nagsimula na noon pang Setyembre 15  at magtatapos na sa Oktubre 25.

Hindi na rin maaring tumanggap ng cremation o paglilibing paglagpas ng Oktubre 28.

Sarado na rin ang tanggapan ng Manila North Cemetery simula October 27 hanggang Nobyembre 3, 2024.

Muling magbubukas ang serbisyo ng cremation at paglilibing sa November 4, gayundin ang pagbubukas ng opisina ng sementeryo.

Simula October 24 hanggang November 4 ay bukas ang main gate ng sementeryo mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon lamang.

Ipinagbabawal na dalhin sa loob ng sementeryo simula October 28 hanggang November 4, ang alak o mga nakalala­sing na inumin;  flammable materials tulad ng thinner at pintura; baril at patalim; deck cards, bingo cards at iba pang gamit sa pagsusugal.

Ipinagbabawal din ang magsama ng mga alagang hayop gaya ng aso at pusa.

VERLIN RUIZ