IPINAHAYAG ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na balak niyang ipatawag ang opisyales ng Bureau of Customs (BOC) upang maipaliwanag at mapanagot ang mga ito sa mabagal na paggalaw at mahabang pagkaantala sa pagre-release ng mga merchandise na dumarating sa pier ng Maynila at nagdudulot pa ng pagkalugi ng bilyon-bilyong piso kada araw.
Ipinabatid ni Pimentel, chair ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, na marami nang nakararating sa kanyang reklamo mula sa mga importer, traders, trucker at broker groups gayundin ang mga OFW association hinggil sa lumalalang port congestion sa Manila Port.
“Inaabot na ngayon ang mga barko ng apat hanggang limang araw sa pier. Pagkadaong ng mga ito, dalawa hanggang tatlong araw ang pagdidiskarga ng mga container sa yard. Kaya pito hanggang 10 araw ang pagdidiskarga ng isang container. Habang nagtatagal ang mga container na hindi pa mai-release, lalo namang tumataas ang kanilang nakukuhang storage charges, na sa dakong huli ay ipapasa naman sa mga tagakonsumo. Iyan ang problema,” ayon sa senador mula Mindanao.
Iginiit pa ni Pimentel na idinadaing ng grupo ng mga tagakonsumo at OFW na mas matagal din ang inaabot bago ma-release ang kanilang balikbayan boxes.
“Gusto kong marinig sa mga Custom official at iba pang stakeholder ang mga solusyon. Isang seryosong peligro sa ekonomiya ang port congestion. Ayaw nating bumagal ang komersiyo ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan dahil maoobligang bumaba ang volume sa merkado sanhi ng kainutilan ng ating mga port partikular na ang Maynila,” anang dating Senate president.
Sa datos ng National Economic Development Authority (NEDA), umabot na sa P2.5 bilyon ang naitalang pagkalugi ng ekonomiya sanhi ng port congestion. Tinatantiyang kaparehong halaga rin ang nawawala sa lumalalang sitwasyon ng trapiko sa Maynila.
Ipinaliwanag pa ni Pimentel na kinakailangan ang higit na komprehensibong solusyon sa suliranin ng mga port upang malunasan ito.
“Ilang taon na ang nakararaan, may mga bangko na pinahaba ang kanilang operating hours sa Manila Port upang matugunan ang clearance payments para sa shipments. Sa puntong ito, kailangan natin ang mas malaki at mas maraming long-term solutions. Halimbawa, hindi na tayo maaaring umasa sa truck ban. Kailangan natin ang mas dedikadong kalsada na mag-uugnay sa port patungong skyways at expressways,” sabi pa ng senador.
Idiniin pa ni Pimentel na dapat mapabilang ang mahahalagang infrastructure components sa Build, Build, Build program ng pamahalaan.
Iminungkahi rin nito na mapaluluwag ang operasyon sa pantalan kung mapalalawak naman ang mga alternatibong daan sa Subic at Batangas.
832753 674002Empathetic for your monstrous inspect, in addition Im just seriously very good as an alternative to Zune, and consequently optimism them, together with the really good critical reviews some other players have documented, will let you determine whether it does not take appropriate choice for you. 747620
Almost all I can say is, I’m not sure what to express! Except certainly, for the great tips which have been shared within this blog. I’ll think of a million fun approaches to read the articles or blog posts on this site. I’m sure I will finally take a step employing your tips on those things I could not have been able to address alone. You are so innovative to let me be one of those to profit from your valuable information. Please know how much I enjoy the whole thing.
Thank you for any other informative blog. The place else could I get that kind of info written in such a perfect way? I’ve a project that I am just now operating on, and I’ve been at the look out for such info.
735386 684032I dont normally look at these types of websites (Im a pretty modest person) – but even though I was a bit shocked as I was reading, I was definitely a bit excited as well. Thanks for creating my day 781911
104738 72288Last month, when i visited your weblog i got an error on the mysql server of yours. ~, 386724
135930 42803Immigration Lawyers […]the time to read or go to the content material or internet sites we have linked to below the[…] 148331
111881 312723Our own chaga mushroom comes with a schokohutige, consistent, charcoal-like arrival, a whole lot of dissimilar towards the style of the regular mushroom. Chaga Tincture 126069