MANILA WATER FOUNDATION, NAGHATID NG TULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYONG ODETTE

Kagyat na nakapaghatid ng maiinom na tubig at mga hygiene kits ang Manila Water Foundation kasama ang iba pang mga partners ng kumpanya para sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalanta ng bagyong Odette sa Cebu.

Sa pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard, 500 units ng 5-gallon Healthy & Pure drinking water at 75 cases ng hygiene products mula sa P&G Safeguard Philippines ang pinadala sa Cebu. Ito ay una lamang sa mga nakatakdang serye ng tulong at relief operations na ibabahagi ng Foundation.

Magdadala ng karagdagang 2,500 units ng 5-gallon drinking water kasama ang 225 cases ng hygiene products sa iba pang mga lugar na napinsala ng nasabing bagyo. Samantala, ang Manila Water naman kasama ang iba pa nitong mga operating units ay magde-deploy ng mga mobile treatment plants at mga tangke ng tubig sa mga komunidad na nangangailangan ng suplay ng tubig.

Ang mga ito ay bahagi ng programang Agapay ng Manila Water Foundation na naglalayong agarang matugunan ang pangangailangan sa suplay ng tubig at sanitasyon ng mga komunidad na tinamaan ng mga kalamidad.

Laking pasasalamat ng Manila Water Foundation sa Philippine Coast Guard at P&G Safeguard Philippines, pati na din sa Manila Water at mga sangay nito kabilang na ang Boracay Water, Laguna Water at Clark Water sa pagpapaabot ng tulong.

Makibahagi sa pag-agapay ng Manila Water Foundation para sa mga biktima ng bagyong Odette. Mag-donate gamit ang BPI o GCash upang mas maraming pamilya at komunidad ang mahatiran ng malinis na tubig at iba pang mga pangangailangan. Pumunta sa www.facebook.com/manilawaterfoundation para sa karagdagang mga detalye.