MANILA WATER, KINILALA BILANG CLIENT OF THE YEAR SA 2021 FIDIC CONTRACT USERS’ AWARDS

NAKOPO ng Manila Water kamakailan ang pagkilala bilang Client of the Year ng FIDIC, o ang International Federation of Consulting Engineers, sa katatapos lamang nitong 2021 Contract Users’ Awards. Sa anunsyong nakalathala sa kanilang website, pinahayag ng FIDIC na ang mga hurado ay humanga sa kung paano tinukoy ng kumpanya ang mas malawak na pakinabang nito sa paggamit ng FIDIC contracts maging hanggang sa hinaharap, gamit maging ang pinakahuling bersyon nito. (The judges were impressed that the project highlighted a number of wider benefits such as capacity building and that the client had demonstrated its commitment to a wider use of FIDIC contracts in future, including the newer versions). Ito ang kauna-unahang pagkakataong isinama ang kategoryang Client of the Year sa ikatlong taong paggagawad ng FIDIC Contract Users’ Awards.

Sa inihandang ‘entry’ ni Manila Water Construction and Contracts Management Framework Manager Rene N. Santos, binigyang-diin nito kung paano ginamit ng kumpanya ang FIDIC contract framework upang matiyak ang maayos at mahusay na pagsasagawa ng mga proyekto. Naka-detalye rin sa ‘entry’ ang mga ‘best practices’ at ‘lessons learned’ sa paggamit ng FIDIC contract framework sa mga proyekto.

Inihayag ni Manila Water Corporate Project Management Group Director Robert N. Baffrey na ang parangal ay isang pagkilala sa pagpupunyagi ng kumpanya tungo sa kahusayan sa pagsasagawa ng mga proyekto. “Patuloy na humahanap ang Manila Water ng iba’t ibang paraan upang masiguro na ang aming CAPEX projects ay naisasagawa nang mahusay mula pagpaplano hanggang sa pagtatapos ng konstruksyon. Mahalaga ang pagkilalang ito sa aming pagsisikap na maka-ambag sa ‘nation-building’ at sa pananatili ng magandang pakikipag-ugnayan sa ating mga contractors at consultants (Manila Water is always looking for ways to ensure that our CAPEX projects are executed and delivered efficiently, from planning to completion. This recognition speaks volumes for our efforts to contribute towards nation building while providing excellent service to our customers and is a testament of our commitment to forge strong partnerships with our contractors and consultants),” dagdag pa ni Baffrey.

Kinikilala ng FIDIC Contract Users’ Awards ang kahusayan sa paggamit ng FIDIC contract forms sa pagsasagawa ng mga proyekto at sa pagpapamalas ng kasanayan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan mula sa iba’t ibang panig ng mundo (recognise excellence in the use of FIDIC contract forms for project delivery and showcase examples of good practice through collaboration from across the world).