MANILA WATER MAKIKIHATI SA SUPPLY NG MAYNILAD

MAYNILAD-MANILA WATER CO3

TINIYAK ng pamunuan ng Maynilad na walang epekto sa kanilang operasyon ang panukalang pakikihati ng Manila Water sa distribusyon ng tubig dahil sa nararanasang kakulangan sa supply nito ngayong tagtuyot.

“Gagawin namin ito na hindi maaapektuhan ang aming serbisyo sa aming customers,” ani Maynilad Water Operations head Ronald Padua.

Nauna rito, kinumpirma ni Manila Water chief operating officer Geodino Carpio ang nasabing hakbang bilang tugon sa water shortage na nararanasan sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

Aminado ang opis­yal na malaking kawalan para sa kanila ang pagbaba sa critical level ng tubig sa La Mesa Dam na pinagkukunan nila kada araw ng higit 1,700-million liters ng tubig.

Subalit hindi rin naman daw magiging sapat kung kukuha sila ng supply sa Angat Dam na ginagamit din para sa irigasyon at power production.

“Kumukuha na rin kami ng tubig sa La Mesa Dam para punuan ang kakulangan sa Angat. Remember that the water in Angat is not used only in Metro Manila, Rizal and Cavite consumption, but as irrigation and power production, shared ‘yon,” paliwanag ni Carpio.

“That’s why NWRB has to balance the requirement,” dagdag pa ng opisyal ng Manila Water.

Nabatid na sakop ng distribusyon ng Manila Water ang malaking bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal.

Pareho rin ang sakop ng Maynilad sa distribusyon nito sa NCR, kasama ang ilang bayan at siyudad sa Cavite.

Sa ngayon, aminado ang Manila Water na makararanas pa rin ng water interruption ang kanilang mga customer sa kabuuan ng tag-init.

Hinihintay na lang din ng dalawang panig ang approval ng National Water Resources Board (NWRB) sa kanilang kasunduan.

“We will have to continue making technical adjustments on distribution throughout summer. We will see conditions getting a bit better after summer, but in order to minimize impact, we will try to manage the pressure reduction,” dagdag pa ni Carpio.     BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.