NANALO ang Ayala-led Manila Water Company Inc. ng 18 taong kontrata para sa development ng PHP173-million water supply na proyekto sa Pagsanjan, Laguna.
Sa kumpirmasyon sa Philippine Stock Exchange, sinabi ng water utility na natanggap nila noong Huwebes ang notice of award mula sa Pagsanjan Water District para sa implementasyon ng joint venture project.
Kasama sa proyekto ang disenyo, konstruksiyon, pagpapalawak, rehabilitasyon at pagpopondo ng suplay ng tubig at malinis na pasilitasyon sa service area ng Pagsanjan Water District.
Kalakip din nito ang pamamahala, pagpapatakbo at pagmimintina ng suplay ng tubig at sanitation facilities, at probisyon ng kinakailangang serbisyo.
“Upon completion of the conditions precedent specified in the notice, Laguna Water and the Pagsanjan Water District shall enter into a joint venture agreement for the implementation of the project…,” lahad ng Manila Water.
Ang Laguna AAAWater Corporation (Laguna Water) ay isang subsidiary ng Manila Water Philippine Ventures, Inc., a wholly-owned subsidiary of Manila Water.
Tinatayang makapagde-deliver ang proyekto ng potential billed volume na 9.57 milyong litro kada araw, dagdag pa ng kompanya. PNA
Comments are closed.