Ni Manresa Albert Inciong
Mandaluyong City. Tig-iisang tiket na binili sa San Jose Del Monte Bulacan, Silang Cavite, at Santa Rosa Laguna ang nagbunga ng inaasam na P43,912,343.80 na premyo mula sa Lotto 6/42 na may panalong kumbinasyon na 25-20-29-07-21-02 ibinola nung Mayo 31, 2022 at pinalabas ng live sa PTV-4.
Naghihintay na lamang ang PCSO kung kailan bibisita ang mga maswerteng nanalo para kunin ang kanilang premyo sa PCSO Main Office sa Sun Plaza Building Mandaluyong City.
Ang lotto outlet na nagbenta ng nanalong tiket ay makakakuha din ng 1% na komisyon ngunit hindi lalampas sa P1 milyong piso.
Alinsunod sa PCSO Charter (RA 1169) may palugit na isang taon ang mga nanalo na kubrahin ang mga napanalunan dahil kung hindi, ito ay mapupunta at magiging parte ng Charity Fund.
Alinsunod sa TRAIN LAW, ang premyo na mas mataas pa sa P10,000.00 ay isasailalim sa 20% na dagdag na buwis.
Narito ang mga hakbang na kailangang sundin ng lahat na kukubra ng kanilang premyo sa tanggapan ng PCSO. Isulat ng malinaw ang pangalan at lagdaan ang likod na bahagi ng nanalong ticket natin ayaan bago kubrahin ang premyo. Ang mga premyong nagkakahalagang P20.00 hanggang P10,000.00 ay maaring kubrahin sa pinakamalapit na inyong pinahintulutang Lotto Outlet o kaya sa PCSO Branch Offices sa inyong lugar. Ang mga premyong nagkakahalagang P10,001.00 hanggang 300,000.00 ay maari nyong kubrahin sa PCSO Branch Offices na malapit sa inyong lugar o kaya sa PCSO Main Office 2nd Floor. Ang mga premyong nagkakahalaga ng P300,001.00 pataas ay maari lamang kubrahin sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City.
Hinihikayat ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Marzan Garma ang lahat na sumuporta sa ibat-ibang laro ng Ahensya para mas marami pa itong matulungan na indibidwal o institusyun sa pamamagitan ng malawakang programmang pangkawang-gawa at medikal. “Dito na kayo sa Larong may Puso, may tsansa na kayong maging milyonaryo, nakakatulong pa kayo sa libo-libo nating kababayan kada ticket na nilalaro nyo” ani GM Garma.