MANMADE LAKE SOLUSYON SA WATER CRISIS

ATTY LARRY GADON

INIREKOMENDA  ang paggawa ng water impounding system bilang solusyon sa nagaganap na krisis sa tubig sa bansa.

Sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery sa Quezon City, sinabi ni Atty. Larry Gadon na kinakaila­ngang gumawa ang gobyerno ng paraan katulad ng manmade lake na pag-iimbakan ng tubig bilang pangsalo sa tubig ulan.

Giit ng abogado, ito ang kanyang nakikitang tanging solusyon para sa problema sa krisis sa tubig tuwing panahon ng tagtuyot gayundin ang panahon ng tag-ulan.

Bukod sa tugon sa krisis sa tubig, naniniwala si Gadon na maiiwasan din ang mga pagbaha partikular sa Metro Manila kapag may water impounding system.

Sinabi nito na may halos 20 milyong residente sa Metro Manila ang palagiang napeperwisyo tuwing bumabaha at tuwing may water shortage kung kaya’t handa rin niyang isulong ang naturang plano sakaling maluklok siya bilang senador sa darating na mid-term election sa Mayo.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.