MANNY PACQUIAO NAG-TRENDING ANG REGALONG HOUSE AND LOT SA ICE CREAM VENDOR

MANNY PACQUIAO

NAG-TRENDING ang video na kung saan nangako si Senator Manny Pacquiao na hot shotsbibigyan niya ng house and lot ang isang ice cream vendor.

Umiral muli ang pagiging maunawain at kawanggawa ng Pambansang Kamao. Bukod sa house and lot ay binigyan na muna ng cash ang ice cream vendor para gamitin sa pagpapa-enroll daw ng anak ni Manong.

Base sa kumalat na video ay nag-uusap lang daw ang dalawa at matapos ay naawa na raw si Manny kay Manong kaya nangako na bibigyan ng tira-han.

Ang pagkikita ng dalawa ay habang hinihintay ni Manny ang kanyang sasakyan ay namataan nito ang nagtitindang si Manong  at ‘yun na nga naging masuwerte ang tindero ng ice cream vendor.

Samantala, marami ang nag-aalala sa nalalapit na laban ni Manny Pacquiao sa mas bata at maskuladong kalaban sa Hulyo 15.

Nag-aalala ang followers niya na baka maisahan at matsambahan din siya ng kalaban, tulad ng nangyari tsambang suntok ni Manuel Marquez na nagpatulog sa ating Pambansang Kamao.

Dapat ay paghandaan daw mabuti ni Manny ang nalalapit nitong laban sa mas bata at maskuladong boksingero.

RUFA MAE QUINTO NAGLUKSA SA

KANYANG BIRTHDAY

IMBES na magsaya si Rufa Mae Quinto sa kanyang kaarawan last May 28 ay nagluluksaRUFA MAE QUINTO ito dahil sa pagpanaw ng kanyang ina. Ipinaalam ito ni Rufa sa kanyang Instagram last Saturday na namaalam na nga ang ina.

“Ma, I love you lagi ko tatandaan ‘yung sinabi mo na ‘wag ka matakot, ma­ging matapang ka para sa anak mo. Ang sakit mawalan ng ina #momm-carol #rip. Rest in peace. We love you.”

“Ang picture na ito kuha 2 weeks ago kasi 3 generations kami rito. Ito na pala ang last picture natin pero forever we will miss you. Birthday ko pa naman.”

“At least pumikit ka lang at natulog. Nakita mo ang apo mo. Naka-attend ka ng first birthday ni @alexandriamagallanes at nakita mo ako kinasal. Lumagay sa tahimik. Kaya ikaw din, tahimik na.

Ayaw ko post ito nung Mother`s  Day kasi ayaw ko makita ka na pumayat ng ganito, pero ‘yun na nga ikaw pa din pinaka maganda sa paningin ko,” caption pa ni Rufa Mae.

Sa sumunod na caption ni Rufa Mae, ibinulgar niya na namana niya sa kanyang ina ang kanyang humor.

“Nakakaiyak pero totoo @sygiejan, Nanay ko parati sinasabi  na maging mabuti kaming mga anak niya sa kapwa. Maging simple at wag mag-judge sa tao. Sa kanya ko rin nakuha ang humor, comedy ko. Kaya may rufamae quinto. Kaya may booba. Kaya may super B! Todo na to! Go go go.”

Condolence, Rufa Mae!

VINA MORALES WAGI SA KASO VS. CEDRIC LEE;

GANOON DIN KAYA SI VHONG NAVARRO?

CONVICTED sa kasong kidnapping and failure to return a minor si Cedric Lee sa kasongVINA MORALES isinampa sa kanya ng ex-girlfriend na si Vina Morales. Ang tinutukoy na minor ay ang kanilang anak na si Ceana.

Sa report ng ABS-CBN base sa desisyon ng Mandaluyong City Regional Trial Court  Judge Anthony Fama, “premeditated, intentional and malicious” ang failure ni Lee na ibalik si Ceana kay Vina.

Pinagbabayad ng korte si Lee ng fine and moral damages na aabot sa kabuuan na P50,000.00.

Matatandaan year 2016 nang akusahan ni Vina si Cedric ng pag-detain ng anak nila mula Mayo 13-22 at violation ng court order–approved visita-tion. Mayo 23 nang naibalik si Ceana sa kapatid ni Vina na si Shaina Magdayao.

Pero itinanggi ni Cedric ang akusasyon ni Vina at nagsampa pa ng kasong libel laban kay Vina pero na-dismiss.

Ang hinihintay pang kaso kay Cedric ay ang  isinampa sa kanya ni Vhong Navarro.

Marami ang nag-aabang at gustong malaman kung mako-convict din ba si Cedric or mapapawalang-bisa.

2 thoughts on “MANNY PACQUIAO NAG-TRENDING ANG REGALONG HOUSE AND LOT SA ICE CREAM VENDOR”

  1. 271849 520842Black Ops Zombies […]some men and women still have not played this game. Its hard to imagine or believe, but yes, some individuals are missing out on all of the enjoyable.[…] 420738

Comments are closed.