SI BUSINESSMAN at dating Senator Manny Villar ang pinakamayaman sa Filipinas, ayon sa Forbes’ 2019 list ng World’s Billionaires, na nalathala noong Martes.
Si Villar, na tumulong sa kanyang ina na magtinda ng seafood sa isang public market sa Manila, ay may net worth ngayon na $5.5 billion. Nasa ika- 317 puwesto siya sa buong mundo.
Pinamumunuan ni Villar ang mall operator Starmalls at ang home-builder company Vista at Landscapes.
Pumapangalawa sa kanya sa listahan si JG Summit founder John Gokongwei Jr. na may $5.1 billion net worth.
Nasa ikatlong puwesto si Enrique Razon Jr. na may net worth na $4.8 billion. Si Razon ang chairman ng International Container Terminal Services at may-ari ng Solaire Casino and Resort.
Ang iba pang nasa Forbes’ list ng pinakamayayamang Filipino ay sina Lucio Tan ($4.4 billion), Tony Tan Caktiong & family ($3.9 billion), Ramon Ang ($2.9 billion), Andrew Tan ($2.7 billion), Hans Sy ($2.4 billion), Herbert Sy ($2.4 billion), Harley Sy ($2.2 billion), Henry Sy Jr. ($2.2 billion), Teresita Sy-Coson ($2.2 billion),
Elizabeth Sy ($1.9 billion), Eduardo Cojuangco ($1.4 billion), Roberto Coyiuto Jr. ($1.4 billion), Ricardo Po Sr. & family ($1.2 billion) at Roberto Ongpin ($1.1 billion).
Sa buong mundo, ang top three richest ay sina Amazon founder Jeff Bezos and family, Microsoft founder Bill Gates at legendary investor Warren Buffet, na may net worth na $131 billion, $96.5 billion at $82.5 billion, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Comments are closed.