TAYONG mga Filipino, lumaki man sa siyudad o sa probinsya, hinding hindi natin kinalilimutan Ang pagmamano.
Ito iyong nakagawian ng mga Filipino na paghalik sa kamay ng nakatatanda bilang pagbati o pamanaalam. Sa paghalik sa kamay, sinasabi ng bata ang katagang “Mano po” na sinasagot naman ng “pagpalain ka ng Diyos.” Sa amin sa Batangas, sinasagot ito ng “estigo Santo” na ang kahulugan din ay God Bless You.
Sa ngayon ay hindi na hinahalikan ang kamay ng nakatatanda. Sa halip, yumuyuko na lamang ang nakababata, ididikit ang kanyang noon sa kamay, at sasabihing “Mano po.” May kaunting pagbabago, ngunit kung pakamanalasin, ganoon pa rin — paggalang sa nakatatandang hindi mo makikita saan mang panig ng mundo.
Ito ang kumakatawan sa values of respect sa nakatatanda, pagapakumbaba, at malalim na pagkakatali ng pamilya.
Parang isang bungkos ng tingting na kapag nag-iisa ay mahina, ngunit kapag nagsama-sama ay lumalakas. Malalim itong nakatanim at nagsanga-sangang ugat sa kulturang Filipino.
Kanyang kamay ang pinagmamanuhan, at kanang kamay rin ang iniabot ng nagmamano, patunay na ang gesture ay totoong pagpapakita ng respeto. Ang pagsasabi ng “mano po” sa nakatatanda ay paghingi ng permiso sa nakatatanda upang magbigay-galang. Sa ganitong paraan, ipinakikita ang pagapakumbaba at bahala na ang nakatatanda kung magbibigay ng blessings o hindi.
Kung pakalilimiin, napakahaaga ng pagmamano sa kulturang Filipino. Oo nga at isa lamang itong simpleng Filipino cultural practice, ngunit kumakatawan ito sa pagkatao ng isang tunay na Filipino. Isa itong Pagkakakilanlan natatangi sa atin — ang mga Filipino na kayumanggi ang kulay ng balat, medyo sarat ang ilong, ngunit may paninindigan at kayang makipagsabayan kanino man, saan mang panig ng mundo. JAYZL
VILLAFANIA NEBRE