UPANG umagapay sa muling pagbubukas at pagluluwag ng borders at ilang protocols ay ikinasa na ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang full force ng kanilang manpower operations sa mga paliparan alinsunod na rin sa implementasyon ng bagong alert level sa bansa.
Ayon kay BI port operations division Chief Atty. Carlos Capulong, ipinapatupad na nila ang 100% on-site work capacity at sinimulan na rin nila ang pre-pandemic shifting schedule dahil inaasahan nila ang dami ng bilang ng pasahero na darating sa susunod na lingo.
“From around 8,000 daily passengers on the first week of implementation of our opened borders, we are now seeing more than 9,000 daily passengers,” ayon kay Capulong. “We are expecting this gradual increase as we transition to the new normal,” dagdag pa nito.
At kumpiyansa si Capulong na madaragdagan pa ito ng mula 10-15k sa susunod na mga buwan.
Ipinag-utos naman ni BI Commissioner Jaime Morente, ang border operations na maghanda ng mas mataas na bilang ng mga biyahero.
“We expect the number of travelers to further increase as the summer season approaches,” ani orente.
“This is a step towards the much-needed recovery of the tourism sector,” dagdag pa nito. PAUL ROLDAN