MANSION NI PACMAN SA L.A. NINAKAWAN

PACMAN MANSION

ISANG araw makaraang madepensahan ang kanyang WBA wel terweight title laban kay American challenger Adrien Broner, nilooban ng hindi pa nakikilalang mga magnanakaw ang mansion ni Filipino ring icon at Sen. Manny Pacquiao sa Los Angleles

Batay sa report, pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ni Pacquiao sa Hancock Park habang nasa Las Vegas ang Filipino champ.

Natagpuan ng pulisya na nagsasagawa ng routine patrol na bukas ang pinto ng bahay ni Pacquiao noong Linggo ng gabi (Lunes sa Pinas).

Hinarangan na ang paligid ng mansion habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Hindi pa malinaw kung ano ang natangay ng mga magnanakaw.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nilooban ang mansion ni Pacquiao dahil nangyari rin ang katulad na insidente, ilang taon na ang nakalilipas.

Samantala, nagtamo si Pacquiao ng minor eye injury matapos ang laban kay Broner.

Gayunman ay tiniyak ng Pambansang Kamao sa kanyang fans na hindi ito seryoso at gagaling din makalipas ang tatlo hanggang apat na araw.

Aniya, ang kanyang eyeball ay nagasgas ng glove ni Broner.

“Okay naman, itong ano ko lang ‘yung sa mata ay nagasgas… na-scratch ‘yung eyeball ko… dati naranasan ko na ‘to  sa kanan, eh. Ngayon sa kaliwa naman,” sabi ni Pacquiao.

“Wala namang namuong dugo, na-scratch lang talaga siya. May inilagay naman na mga gamot na… Okay lang, God is good. Inano lang natin, magpapa­hinga lang. Madali naman mag-heal ‘yung scratch sa eyeball,” dagdag pa niya.

2 thoughts on “MANSION NI PACMAN SA L.A. NINAKAWAN”

  1. 150334 238715This sort of considering develop change in an individuals llife, building our Chicago Pounds reduction going on a diet model are a wide actions toward generating the fact goal in mind. shed weight 156331

Comments are closed.