MANUEL CONDE, GENGIS KHAN

Noong 1952, naitatag ang FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) Awards. Nagsimula nang magkaroon ng pagkikala sa kakayahan ng mga artista, at naiimbitahan na rin tayo sa mga international film festivals.

Isa sa mga kara­ngalang ito ay naibigay sa immortal na pelikula ni Manuel Conde, ang Genghis Khan (1952), nang ipalabas ito sa Ve­nice Film Festival.

Manuel Urbano ang tunay na pangalan ni Manuel Conde na ipinanganak noong Oktubre 9, 1915 sa Daet, Camarines Norte. Namatay naman siya noong Agosto 11, 1985. Isa siyang sikat na artista, direktor at prod­yuser noong kanyang kapanahunan.

Nagsimula siya sa teatro noong dekada 1930 at nakilala nang husto dahil sa Pelikulang Genghis Khan.

Leanne Martin