MANUEL SA ALASKA PA RIN

Vic Manuel

NAGKASUNDO na rin si Vic Manuel at ang Alaska Aces.

Ayon sa agent ni Manuel na si Danny Espiritu, si “Muscle Man” ay nakatakdang pumirma ng bagong kontrata sa kanyang koponan sa nakalipas na pitong taon matapos na magkasundo ang forward at ang Aces management.

“We are almost done on a (new) contract for Vic,” wika ni Espiritu. “In a matter of days, maybe next week, we will sign the deal.”

Hindi naman sinabi ni Espiritu ang terms ng bagong kontrata subalit ayon sa source, may dalawang taon ito na nagkakahalaga ng league maximum na P420,000 kada buwan, hindi pa kasama ang mga bonus.

Ang naturang terms ay tila sapat na para mapayapa si Manuel, na ang inisyal na pakikipag-usap sa Alaska ay hindi nagtagumpay makaraang mapaso ang kanyang kontrata noong nakaraang Disyembre.

Noong una ay humirit si Manuel ng bagong three-year deal subalit nag-alok lamang ang Alaska ng two-year pact na may team option sa ikalawang taon.

Hindi sila nagkasundo ng 33-anyos na player dahilan para agad itong magpa-trade sa kabila ng pa-kiusap ni Alaska coach Jeffrey Cariaso.

Batay sa report, nakipag-usap na ang Aces management sa ibang koponan tulad ng Meralco, NorthPort at NLEX para sa posibleng trade subalit hindi rin ito nagtagumpay. CLYDE MARIANO

Comments are closed.