MANUEL TULUYAN NANG BINITIWAN NG ALASKA

on the spot- pilipino mirror

SABI na nga ba ay gagawa at gagawa ng paraan ang kampo ng Alaska Aces para ma-trade  si Vic Manuel dahil alam nila na hindi na rin magiging maganda ang samahan nila ng player.

Kaya kahit parang lugi ang Aces sa palitan nila ng Fuelmasters kung saan ang kapalit lang  ay si Brian Heruela at isang draft pick ay kinagat na nila ito.

Ok lang sa Alaska kahit parang talo sila sa trade kaysa naman  manatili sa kanila ang basketbolista na ayaw na sa team.



Bagaman napapirma na ng kontrata si Greg Slaughter, wala pa rin siyang kasiguruhan kung mananatili siya sa Brgy Ginebra. Sana nga huwag siyang i-trade tulad ng mga naunang balita

Kapag nag-stay sa Gin Kings si Slaughter ay super lakas ulit ang tropa ni coach Tim Cone. Balik-tambalan sa hardcourt sina Japeth Aguilar st Greg.

Ngunit ang masaklap nito ay siguradong maaapektuhan ang playing time ni Prince Caperal. Nakuha man ni Caperal ang ‘Most Improved Player’ award ay tila mawawala ang kinang niya sa pagbabalik ng  Fil-Am palyer. Sayang naman ang magandang nasimulan ni Prince na siguradong kakapiranggot  ang makukuhang  exposure. Mas maganda siguro na i-trade na lang siya upang mailabas pa niya ang kanyang galing sa paglalaro



May bagong team itong si  Myla Pablo, dating player ng National University.  Natulungan niya ang dating team na Motolite, sa pagbubukas ng PSL ay sa Petron Gaz na siya makikitang maglalaro.

Siguradong makatutulong siya  nang husto sa kanyang bagong team lalo na 100% na ang  kagalingan niya sa kanyang injury. Good luck, Ms. Myla.



Sayang naman ang pinagpaguran ni Kai Sotto at hindi na siya makakasama sa NBA Ignite G League.  Sana ay hindi na lang siya umuwi ng Pinas para sumama sa Gilas team kasi kahit wala si Sotto sa Gilas ay mananalo naman ang team.

Halos dalawang taon ding namalagi ang player sa US para mag-training tapos ay ‘di siya nakasama sa G league. Sayang talaga ang pinagpaguran.

Comments are closed.