PATULOY ang pagpapalago at pagpapalawak ng manufacturing sector ng bansa sa pagsasara ng unang semester, ayon sa report ng Nikkei Philippines Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) of IHS Markit kamakailan.
Bagama’t medyo bumaba ang manufacturing PMI sa 52.9 nitong Hunyo mula sa 53.7 index noong Mayo, nadagdagan naman ang kanilang orders at paglabas ng items, habang ang employment levels ay nananatili.
“As the first half of the year concluded, the Philippines manufacturing economy continued to recover from the implementation of the TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) tax reforms at the start of the year. The latest Nikkei survey showed improving demand conditions at the end of the second quarter,” pahayag ni IHS Markit Principal Economist Bernard Aw.
Nagkaroon ng local demand at pagtaas ng pagpapaangkat ang nakasuporta sa produksiyon noong nagdaang buwan, ayon pa sa report.
Ito ang nagbunsod sa mga kompanya na maitaas ang kanilang pagbili para lalong mapataas ang kanilang stock.
Pero binanggit ng IHS Markit survey na ang mataas ng paggamit ng produksiyon ang nakalimita ng inventory gain na nagresulta sa mababang imbentaryo ng finished products nitong Hunyo – ang unang beses para sa bansa na makapagtala ng bumababang imbentaryo sa nagdaang apat ng buwan.
“Firms attributed the depletion to higher demand from distributors and increased sales,” ayon sa report.
Higit pa rito binanggit ni Aw na ang inflation pressures ay nananatiling malakas sa bansa na nagresulta sa mataas na factory gate price.
“Input cost inflation remained steep, as a combination of domestic and external factors were responsible for the upward pressure,” ayon sa economist.
“The depreciation of peso, increased taxes, supply shortages, higher global commodity prices, especially for fuel, all contributed to inflation,” dagdag pa niya.
Samantala, Philippines’ manufacturing score noong nagdaang buwan ay nasa pangatlong malakas sa ASEAN countries. Ang production PMI ng bansa ay nasa likod ng Vietnam index na 55.7 at Singapore na nasa 53.6.
Ang manufacturing performance ng bansa ay mas maayos o mas maganda kaysa sa Indonesia na 50.3, Thailand 50.2, at Myanmar, 50.
Ang index ang sukatan ng bansa sa manufacturing sector’s health. Ang pagbasa na mas mataas sa 50 ay senyales ng paglago, samantalang ang mas mababa sa 50 ay nangangahulugan ng pagkasira. PNA
Comments are closed.