HINIHILING ng manufacturers sa gobyerno na magpatupad ng suggested retail price (SRP) sa tamban para matulungan na maging katamtaman ang presyo ng delatang sardinas.
Sinabi ni Bombit Buencamino, executive director of the Canned Sardines Manufacturers Association of the Philippines, na ang presyo ng tamban ay hindi pa gaanong bumababa sa kabila ng ongoing fishing season.
“After the closed fishing season, which was from December to February, dapat marami na ‘yung isda and there should have been a more recognizable drop in price,” sabi ni Buencamino.
“E, hindi nangyayari ‘yon dahil hindi nakakahuli ‘yun dapat humuli ng isda,” dagdag niya.
Sinabi ni Buencamino na ang manufacturers ay sakop ng zoning laws na naglimita ng huli ng commercial fishing vessels.
“Commercial fishermen are the only ones that have the proper gear to catch them but they are not allowed. There is a 15-kilometer limit,” ani Buencamino.
Sinabi niya na ang mga mangingisda ng ilang munisipalidad ay may daan sa mga lugar na mayaman sa tamban kaya lamang ay kulang sila sa kagamitan at kaalaman.
Ngayon, ang presyo ng tamban ay nakapako sa P30 bawat kilo, o dalawang piso na mababa sa presyo bago nagsimula ang fishing ban noong Disyembre ng nagdaang taon.
Sinabi ni Buencamino na ang mataas na gastos sa langis at iba pang gastusin ang nakapigil sa manufacturers para ibaba ang re-tail price ng delatang sardinas.
Naalala niya na ang tamban ay naibebenta lamang ng P16 hanggang P18 bawat kilo.
“Umakyat na ng umakyat because of higher fuel cost and then you have the TRAIN Law,” sabi ni Buencamino.
“Tin plates are also getting costly because of the US dollar conversion. E, imported tin plates natin,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang kanyang ahensiya ay bukas sa pagpapataw ng SRP sa isda.
Pero, sinabi ni Lopez na kailangan munang konsultahin ang Department of Agriculture dahil ang isda ay isang agricultural commodity.
“‘Yan din namang isda, depende naman talaga sa supply and demand e. ‘Yung huli din d’yan kung maganda ang huli, maraming isda. Bababa ang presyo,” sabi ni Lopez.
“Pero kung pahirapan din ang supply natin diyan, ang hirap din lagyan ng SRP. Pero may mungkahi na kaming ganyan. Mayroon kaming request lagyan na rin ng SRP ‘yung isda. Para lahat medyo managed natin ang cost structure ng canned sardines,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Buencamino na may mga manufacturer ng canned sardines na hindi pa nagtataas ng kanilang presyo dahil ang kanilang requests ay naka-pending pa sa DTI.
“Mayroon ibang nabigyan what we are appealing sana naman hindi maging selective mayroong nabibigyan, mayroong hindi. Dapat pare-pareho sana, mayroong kaunting adjustment,” sabi ni Buencamino.
Sinabi rin ni Lopez na gumagamit sila ng parehong pormula sa pag-aapruba ng request para sa price adjustment.
“Bawat brand mayroon kaming cost structure model na kalinya ‘yung kanilang mga costing du’n at saka ‘pag may gumagalaw na cost ng raw materials. ‘Yun po ina-adjust at kung anong lumabas na parang ideal price nila ‘yun ang nagiging basehan kung papayagan natin ang pag-adjust ng presyo,” sabi ni Lopez.
May ibang brand ng sardinas na ang nagtaas ng presyo.
Sinabi niya na ang mga brand na humiling para sa price adjustments ay hindi pa nila naaksiyunan ay karamihan na mga premium brand.
“Kung sila po ‘yun, nandun naman sa premium na brand, puwede namang ma-approve ‘yan kapag naalis na natin sa listahan,” sabi pa ni Lopez.
“Nagno-normalize naman ang ating inflation. Bumababa na. We are now considering or studying na ibalik din sa normal ‘yun ating listahan,” dagdag pa niya.
Comments are closed.