HUMIRIT kahapon ng dagdag na presyo sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga manufacturer ng ilang produktong de-lata.
Dedesisyunan ng DTI ang hirit ng mga manufacturer bago matapos ang buwan ng Setyembre, ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo sa git-na ng pagsuyod ng DTI at Department of Agriculture (DA) officials sa mga palengke at supermarket para suriin ang presyo ng mga bilihin.
“May pending requests sa atin na kailangan na nating aksiyonan ang ilang produkto,” pahayag ni Castelo.
Samantala, ilalabas naman ng DTI sa Oktubre ang suggested retail price (SRP) ng mga produktong pang-Noche Buena.
Sa kasalukuyan ay wala pang manufacturer ng mga produktong pang-Noche Buena ang humihirit ng dagdag-presyo sa nasabing kagawaran.
Inaasahan na ang pagtataas ng presyo ng bilihin sa panahon papalapit na ang Kapaskuhan.
Comments are closed.