MANUFACTURING LALAGO – DTI

DTI-Sec-Ramon-Lopez

MAGPAPAALAB sa mu­ling pagbuhay ng manufacturing sa Filipinas ang kalalagda lamang na Japanese investments na nagkakaha­laga ng P300 bilyon, ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

Sinabi ni Lopez na sa 26 kasunduan, 19 ay letters of intent (LOI) na malaki ang posibilidad na maisakatuparan, at nasa manufacturing ng mga kotse, wire harness, printers, medical devices, at electronics.

“These investments will help expand our manufacturing base and increase our high-value exports. More importantly, these companies will employ thousands of Filipinos and help them better the quality of their lives,” wika ng DTI chief.

Ayon kay DTI Special Trade Representative (STR) in Tokyo Dita Angara-Mathay, sa naturang investments, ang Filipinas ay magiging isang emerging manufacturing hub para sa printers, medical devices at wire harnessing.

Ang mga nilagdaang kasunduan ay kinabibilangan ng isang LOI mula sa Canon upang palawakin ang umiiral na investments nito sa Filipinas para sa  monochrome laser printers, kabilang ang service parts, packaging materials, at optional products. Para sa medical devices, ang Terumo Corporation ay lumagda sa isang LOI para palawakin ang investments sa manufacturing, sales at export ng medical devices (i.e. disposable syringes, needles, safety-needles, IV catheters, at urinary drainage bags).

“Furukawa Electric Corporation and Sumitomo Electric Industries likewise signed LOIs to expand their wire harness facilities in PH. Moreover, Furukawa will expand production capacity of wholly-owned centers for wire harnesses. Meanwhile, Sumitomo will build a new facility for wiring harness and related products for export to Japan and North America.”

Para sanayin ang future manufacturing managers, ang Japanese companies Tescom Denki at Outsourcing Inc. ay lumagda sa isang MOU sa Filipino electronic and semiconductor subcontractor company EMS Group para sa pagpapadala ng 3,000 skilled workers sa Japan para sa training at work experience. Ang mga manggagawang ito ay kinabibilangan ng engineers, IT professionals at iba pa.

Ani STR Angara-Mathay, ang naturang programa ang pupunan sa kakulangan sa manufacturing managers sa Filipinas.

Comments are closed.