(Noong Marso) MANUFACTURING OUTPUT BUMABA

BUMABA ang manufacturing output ng bansa kapwa sa volume at  value noong Marso, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa resulta ng  latest Monthly Integrated Survey of Selected Industries ay lumitaw na ang value of production index (VaPI) ay bumaba ng 1.7 percent, isang reversal mula sa  9.1 percent expansion noong Marso ng nakaraang taon at sa 5.7 percent growth na naitala noong Pebrero 2024.

“The annual drop of VaPI in March 2024 from an annual increase in February 2024 was mainly attributed to the annual decline in the manufacture of food products at 7.2 percent in March 2024 from an annual increase of 1.6 percent in the previous month,” sabi ng PSA.

Ang iba pang primary contributors sa pagbaba ay ang mas mabagal na annual increases sa manufacture of computer, electronic at optical products sa 7.5 percent noong Marso mula 16.3 percent expansion sa naunang buwan, at manufacture of coke and refined petroleum products sa 9.4 percent mula 18.3 percent noong Pebrero.

Bumaba rin ang volume of production index (VoPI) ng  0.8 percent mula 7.2-percent expansion noong Pebrero. Noong Marso 2023, ang VoPI ay tumaas ng 6 percent.

Sinabi ng PSA na ang downtrend ay sanhi ng annual decline sa manufacture of food products, computer, electronic and optical products, at coke and refined petroleum products.

Base sa responding establishments, ang average capacity utilization rate para sa manufacturing sector ay nasa 75.3 percent noong Marso mula 75.1 percent noong Pebrero.

Noong Marso 2023, ang average capacity utilization rate ay naitala sa 73.6 percent.

Ang lahat ng industry divisions ay nag-ulat ng capacity utilization rates na mahigit sa 60 percent sa naturang buwan.

“The top three industry divisions in terms of reported capacity utilization rate were manufacture of machinery and equipment except electrical (83.9 percent), manufacture of other non-metallic mineral products (80.9 percent), and manufacture of rubber and plastic products (80.5 percent),” sabi ng PSA.   (PNA)