BUMABA sa ika-10 magkakasunod na buwan nitong Setyembre ang manufacturing output ng Filipinas ayon sa datos na ini-release ng Philippine Statistics Authority (PSA) kamakailan.
Ipinakita sa mga naunang resulta ng Monthly Integrated Survey of Selected Industries (MISSI) ang factory output o ang Volume of Production Index (VoPI) na bumaba ng 3.0% mula sa 1.3% kita sa parehong buwan noong nagdaang taon.
“Among the eight major industries that exhibited declines in VoPI, five major industries had two-digit decreases,” pahayag ng PSA.
Ang pagbagsak ay pinangunahan ng furniture and fixtures (-30.1%), leather products (-22.3%), petroleum products (-17.3%), miscellaneous manufactures (-13.5%), at electrical machinery (-10.4%).
Ang pagbagsak ay nakita rin sa transport equipment (-8.3%), textiles (-3.5%), at non-metallic mineral products (-1.8%).
Ang Value of Production Index (VaPI) na may patlang sa year-on-year drop na 2.3% mula sa 3.2% paglago ng Setyembre 2018.
“Nine out of the 20 major industry groups registered annual declines,” pahayag ng PSA.
Ang pinakamalaking pagbagsak sa leather products (-28.0%), petroleum products (-25.2%), electrical machinery (-14.6%) at miscellaneous manu-factures (-11.9%).
Ang pagbaba ay rehistro rin sa transport equipment (-9.2%), textiles (-5.6%), footwear at wearing apparel (-3.4%), food manufacturing (-2.2%), at chemical products (-1.2%).
Comments are closed.