MANUFACTURING OUTPUT HUMINA

PSA-PH ECONOMY

BUMAGAL ang manufacturing output ng bansa noong Pebrero dahil sa pagbaba na naitala sa food products, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa preliminary results ng Monthly Integrated Survey of Selected Industries (MISSI) ng PSA ay lumitaw na ang volume of production index (VoPI) ay lumaki ng 7.2% noong Pebrero.

Kasunod ito ng 10-month high na 11.2% noong Enero at kumpara ito sa 69.8% paglago na naitala noong February 2022.

Ang manufacture ng food products ay bumubuo sa 29.7% ng downtrend ng manufacturing output para sa Pebrero, kung saan bumaba ang index sa 6.4% mula 14.0% noong Enero.

Naitala ang mas mabagal na annual increases sa paggawa ng grain mill products, starches, at starch products; dairy products; at prepared animal feeds.

Naiposte rin ang mas mabagal na annual growth rates sa paggawa ng electrical equipment sa 22.3%, transport equipment sa 27.3%, beverages sa 22.0%, basic pharmaceutical products sa 3.2%, at paper and paper products sa 1.0%.

Naitala naman ang negative growth rates sa paggawa ng tobacco products sa -13.0%; leather and related products sa -8.9%; textiles sa -5.8%; wood, bamboo, cane, rattan articles, and related products sa -3.1%; at other non-metallic mineral products sa -2.7%.

Bumaba rin ang value of production index (VaPI) sa 11.1% mula 16.0% noong Enero at 77.2% noong February 2022, na pinangunahan din ng mas mabagal na paglago sa paggawa ng food products.

Ang iba pang pangunahing contributors sa mas mabagal na annual growth sa value of production ay ang paggawa ng computer, electronic, at optical products; other non-metallic mineral products.

Ang value of net sales index (VaNSI) ay nasa 8.7%, bumaba mula 19.5% noong Enero at 20.3% sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. Samantala, bumagsak ang volume of net sales index (VoNSI) sa 4.9% mula 14.5% noong Enero at 17.9% noong nakaraang taon.