MANUFACTURING SUMMIT 2018 TACKLES INDUSTRY CONCERNS

MANUFACTURING SUMMIT 2018

TAGUMPAY na nakapagsagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang kanilang attached agency para sa investment promotion and industry development, the Board of Investments (BOI), sa pakiki­pag-partner sa Federation of Philippine Industries (FPI), the Voice of Philippine Industry, ng Manufacturing Summit 2018 sa Philippine International Convention Center (PICC) noong Nobyembre 22 hanggang 23.

Marami ang mga dumalo at sumali sa insightful Summit, na mga taga-gobyerno, academe at industriya na nakipagpulong sa malawakang diskusyon sa domestic issues na nakaaapekto sa industry growth – tulad ng pending reforms sa Philippine incentives regime at ang pagsisikap na mabago ang gaan ng pagtatayo ng negosyo sa bansa – gayundin ang pandaigdigang alalahanin na nagbibigay ng impact sa kinabukasan ng manufacturing, lalo na sa patuloy na trade tensions sa pagitan ng US at China at ang papara­ting na Fourth Industrial Revolution.

Binigyang-diin ni Trade and Industry Secretary Ramon M. Lopez, sa kanyang mensahe na, “Holding the yearly Summit is part of the DTI’s continuing commitment to sustain the resurgence of the manufacturing sector as a major pillar in our pursuit to become an industrialized nation and achieve inclusive growth in the country.”

Sa parte naman ni FPI Chair Dr. Jesus Lim Arranza, binigyang-diin ang importansiya ng nananatiling  manufacturing sector sa pagbanggit niya na “companies can only be competitive in the world market if (they) have a strong domestic base.”

Sa unang araw ng Summit nagsimula ito sa matagumpay na diskusyon tungkol sa fiscal incentives reforms. Ang Tax Reform for Attracting Better And High-quality Opportunities (TRABAHO) bill, na inisponsoran ni  Quirino Representative Dakila Cua, ay tumatarget ng mas maraming oportunidad sa trabaho sa buong bansa sa pagpapababa ng corporate income tax rates mula sa 30 porsiyento hanggang 20 porsiyento sa 2029, habang nagpapalawak ng tax base. Binigyang-importansiya ni DOF Undersecretary Karl Kendrick Chua ang pagkakaiba ng tax reform na ito dahil ito ang unang pagkakataon na ang isang reform ay ipinapanukala hindi bilang tugon sa external forces o dahil sa economic crisis, kundi sa pag-iinvest para sa kinabukasan ng bansa.

Ipinakita ni DTI Assistant Secretary Rafaelita Aldaba kung paano ang Strategic Investments Priorities Plan (SIPP) ay pinaplano para masiguro na ang insentibo nito ay performance-based, targeted, time-bound, at transparent. Ang mga gawaing pang-ekonomiya na dapat makasama sa SIPP  among others, ay dapat magdala ng makahulugang amount ng puhunan; makapagbibigay ng trabaho; gumawa ng inclusive business activities at value-added production; paggamit ng makabagong teknolohiya; gumawa ng tama at sapat na environmental protection systems; tugunan ang missing gaps sa supply/value chain o pagtaas ng value chain o product ladder; o magtaguyod ng market competitiveness.

Sa pamamagitan ng TRABAHO at SIPP, layon ng gobyerno na gawin ang corporate tax ng bansa at fiscal incentives system na simple, karampatan at masigasig, habang sinisi­guro ang suporta para sa pagpapabago ng local industries and enhancing Philippine competitiveness.

Naging usapan sa sesyon ang bigat ng tama sa Filipinas ng trade tensions sa pagitan ng United States at China, ang major trading partners ng bansa. Pinag-usapan ni Dr. Abdul Abiad ng Asian Development Bank (ADB) ang impli­kasyon sa trade war, at ibinahagi na may oportunidad sa ilang manufacturing sub-sectors na magtaas ng kanilang operasyon bilang resulta ng trade redirection.

Ibinahagi naman ni DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo, ang matinding importansiya ng robust national industrial strategy to guide Philippine trade policy. Binigyang-diin niya ang industrial policy ng bansa– isang nakapagpapalalim ng local value chains. Sa lumalagong merkadong lokal, ang pinakamala­king hamon sa bansa ay ang matugunan ang lumalawak na trade deficit sa pamamagitan ng pagtatayo ng industriyal na kapabilidad ng ekonomiya.

Binigyang linaw naman ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco ang mga kasali tungkol sa pagsisikap ng gobyerno na mabawasan ang red tape sa bansa. Bagamat mahaba pa ang panahon para makapantay sa ibang bansa na nakapaligid sa atin, sinabi niya na ang Filipinas ay gumagawa ng paraan para mabago ang ranking sa patuloy na suporta ng ibang national government agencies.

Sa pagsasara ng Summit, inulit ni FPI President Mr. George Chua ang patuloy na suporta sa industriya para makapagtayo ng matibay ng manufacturing sector sa bansa. Sa parte naman ni DTI Assistant Secretary Aldaba binigyang-diin niya na, “Though the future is hard to predict, we need to act and innovate than to wait and do nothing.”

Comments are closed.