MANUGANG NG SB MEMBER NAPAGKAMALAN, TINAMBANGAN

CAGAYAN-LIGTAS na ang kalagayan ng manugang ng isang Sanguniang Bayan ng Enrile na napagkalaman at tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Daang Maharlika ng nasabing bayan.

Kinilala ni P/Major Rodel Gervacio hepe ng Enrile Police Station ang biktima ng na si Garrry Lappay, 36, residente ng Barangay 2 na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa kanyang balikat, habang ang kanyang asawa naman ay hindi tinamaan sa nangyaring pamamaril.

Sa i pagsisiyasat ng PNP Enrile, papauwi na ang biktima lulan ng sasakyan ng kanyang biyenan na SB member sa naturang bayan matapos na sunduin ang kanyang asawang nurse na nakatalaga sa quarantine facility ng lokal na pamahalaan nang tambangan at pagbabarilin ang kanilang sasakyan ng dalawang lalakii na lulan din ng motorsiklo.

Hinala ni Gervacio, na maari umanong ‘mistaken identity’ ang nagyaring pananambang sa biktima.
Mabilis namang tumakas ang dalawang salarin sa hindi malamang direksyon habang nakarekober ng pulisya ng dalawang empty shells at isang slugs ng kalibre 45 baril sa lugar ng krimen.
IRENE V. GONZALES

3 thoughts on “MANUGANG NG SB MEMBER NAPAGKAMALAN, TINAMBANGAN”

Comments are closed.