‘MANYAK’ NA MISTER ISINELDA

kulungan

VALENZUELA CITY– KULONG ang 32-anyos na lalaki na nagtangkang manghipo sa sa maselang parte ng katawan ng dalagitang estudyante sa lungsod na ito.

Bagaman nasalag ng biktimang si alyas Bing ang kamay ng suspek na si Retchie Ambon ay nasalat pa rin umano nito ang dib-dib ng dalagita na noo’y nakahingi ng tulong sa tanod.

Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Station Investigation Unit (SIU) ng Valenzuela police, naglalakad na pauwi si Bing alas-8 ng gabi nang masalubong niya ang lasing na suspek sa Brgy. Lawang Bato.

Iiwasan sana ng dalagita si Ambon subalit hinarang siya nito saka tinangkang manghipo na nasalag naman ng una. VICK TANES

Comments are closed.