MAPA NG WEST PH SEA ILALAGAY SA VISA STAMP NG CHINESE NATIONALS

VISA-1

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na lagyan ng stamp ng Philippine visa ang pasaporte ng mga Chinese nationals na bibisita sa bansa.

“Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin proposed to stamp the Philippine visa on passports of Chinese nationals who wish to enter the country instead of the practice adapted before of placing it on a piece of paper. This was approved by the President,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo

Sa ginanap na press briefing, sinabi ni Panelo na kasama sa nabanggit na visa requirement ang mapa ng mga teritoryo ng Filipinas sa South China Sea.

“The Philippine map with “all its territories, including the disputed ones,” would be the design of the stamp to be used on the Chinese visitors’ passports” sabi pa ni Panelo.

Ang bagong design ay posibleng ipa­tupad sa taong ito at posibleng saklaw rin ang iba pang foreign nationals na bibisita sa Filipinas.

Ayon kay Panelo, iprinisenta sa gina­nap na ika-40 Cabinet meeting noong Lunes ng gabi ni Locsin ang bagong disenyo ng stamp.

Sa ganitong pa­raan ayon kay ­Panelo ay maipapakita ng ­Filipinas sa China ang paggigiit ng bansa sa pagmamay-ari sa pinag-aagawang teritoryo.

Ayon sa kalihim, naniniwala kasi si ­Pangulong Duterte na kung mahigpit ang China sa mga Filipino sa pagpasok sa kanilang bansa ay dapat na ganito rin ang gawin ng ­Filipinas  sa mga Chinese national na papasok sa bansa.

“This means, the government would be doing away with the practice that the Aquino administration started to implement in 2012, which was stamping the visa on a separate sheet of paper to protest China’s move of including in its e-passport the nine-dash line map, which covers the Philippine claimed territory in the South China Sea” dagdag pa ni Panelo.

Magugunita na base sa arbitral ruling ng The Hague-based Permanent Court of Arbitration noong Hulyo 2016 ay ibinasura nito ang historic at sovereign claim ng China sa halos ­kabuuan ng South China Sea na saklaw ng nine-dash line.

Samantala, tiniyak naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kanilang tututukan ang pagpasok at pananatili ng mga Chinese tourists sa bansa.

Mahigpit ding ipapatupad ng Department of Justice ang mga immigration measures kaugnay sa pagpasok at pananatili sa bansa ng Chinese nationals.                        EVELYN QUIROZ

Comments are closed.