TULOY-TULOY na ang usad ng planong Manila Bay-Pasig River-Laguna Lake Ferry System (MAPALLA) Ferry System Project ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Transportation Undersecretary Timothy John Batan, nakikipagtulungan na sila ngayon sa Public-Private Partnership (PPP) Center para sa mabilis na paglarga ng proyekto na inaasahang maghahatid ng panibagong opsyon ng transportasyon sa mga commuter sa Metro Manila, Cavite at Laguna.
Kasama sa plano ang pag-mobilize ng P15-20-bilyong pondo para sa MAPALLA mega project na target gawing electric ferry fleet, na may multiple stations.
Ani Batan, kabilang sa modelo ng proyekto ang Chao Phraya River Ferry System sa Bangkok, Thailand at ang New York Ferry System sa New York City.
“This will not be a touristic ferry system. When you talk about ferry there is touristic and there’s a commuter. This is going to be commuter. This is something commuters can use on a daily basis to get to and from their places of work,” aniya.
Sa ngayon, nasa project preparation stage na ang MAPALLA Ferry System Project.
Target na masimulan ang operasyon nito sa 2027.
PAULA ANTOLIN