NILINAW at kinondena ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mapanlinlang na job postings na kumakalat sa iba’t ibang social media platforms, partikular sa Facebook at TikTok.
Ang naturang post ay nag-aalok ng napakataas na monthly salaries, maging sa high school graduates, at ipinahihiwatig na ang job openings ay affiliated sa BIR.
Paglilinaw ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., hindi nilikha o pinahintulutan ng BIR ang nasabing job postings, at ang mga ito ay “purely deceptive and fraudulent.”
Kaugnay nito ay hinihikayat ng BIR ang publiko na maging ma- pagbantay at maingat sa pagkonsidera sa job postings sa social media o iba pang platforms, at laging beripikahin ang impormasyon mula sa official sources upang hindi mabiktima ng mapanlinlang na gawain.
“The BIR is committed to providing equal and fair opportunities to all job applicants in accordance with the government’s principles of transparency and integrity; hence, this matter is taken seriously because it misleads job seekers.
We assure the public that we are actively investigating the source of these misleading posts to hold those responsible accountable for their actions. We thank the public for their continued support and cooperation in combating misinformation and ensuring a secure and credible job application process”, sabi ni Commissioner Lumagui.
Ang lahat ng indibidwal na naghahanap ng trabaho sa BIR ay pinapayuhang magtiwala lamang sa official channels ng impormasyon ng ahensiya. Ang kumpleto at lehitimong listahan ng job vacancies, kasama ang kani-kanilang requirements, ay maaaring matagpuan sa BIR website sa https://www.bir.gov.ph/index.php/vacant-positions.html and/or BIR Official Facebook Page at https://www.facebook.com/birgovph