HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.
Ngayong Sabado, ating pag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng sariling bahay sa pamamagitan ng HOME LOAN.
Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sariling bahay ngunit napipilitan na mangupahan dahil sa kakulangan ng budget upang hulugan ang sariling tahanan. Ngunit sa panahon ngayon kung saan marami na rin ang nagiging interesado sa usaping ‘financial freedom’, isa sa mga long-term investment na puwedeng umpisahan ay ang pagkakaroon ng sariling bahay at lupa.
Isa sa mga rason kung bakit natin gustong makamit ang ating DREAM HOUSE ay dahil sa ating pamilya. Nais nating ibigay ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa kanila kaya naman, sa tulong ng AUB, magiging mas madali na ang pagkakaroon ng sariling bahay bilang isang magandang investment.
Ang AUB Preferred Home Loan ay isang loan facility kung saan maaari mo nang mabili ang iyong Dream House sa pamamagitan ng flexible payment terms hanggang 20 years at competitive rates depende sa iyong pangangailangan. At isa pang magandang balita, maaaring makatipid hanggang Php100,000 sa registration at iba pang bank fees ang mga mag-aapply mula June 1 hanggang July 31, 2018 dahil sa AUB Home Loan Promo (DTI-FTEB Permit No. 9549 Series of 2018).
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming website sa https://www.aub.com.ph/housingLoans o kaya naman ay magsadya lamang sa pinakamalapit na AUB branch and AskUrBanker!
Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at Youtube (AUBofficialph).
Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.
Comments are closed.