NAGING mapayapa ang New Year’s eve sa Quezon City, ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, CSupt. Joselito Esquivel Jr.
Aniya, iniulat ang “peaceful report” kay PNP Chief, PDG Oscar D Albayalde at National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ni PDir. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, na generally peaceful sa lungsod ng Quezon City kung saan walang naitalang stray bullets at halos “zero-crime” incidents.
“Except for a lone attempted homicide case which transpired at around 10:30 p.m. in Brgy. Gulod Novaliches, and 11 firecrack-er-related injuries, there were no other incidents on focused crimes of murder, rape, physical injury, theft and carnapping,” ayon kay Esquivel.
Sa kabuuan, nagdeploy ng 1,405 pulis sa mga kalsadahan at maging sa mga identified firecracker zones sa mga barangay sa lungsod upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng ating mga kababayan. Mahigpit din ang tagubilin na agad alamin at arestuhin ang sinumang magpapaputok ng baril at mga ilegal na paputok. Kaya ang resulta nito ay ang mapayapang pagsalubong ng Bagong Taon.
“I also commended his officers and men along with the augmentation forces for their significant role in keeping the New Year revelries safe and peaceful. He also thanked the people of Quezon City for their cooperation and for always abiding the laws.” PAULA ANTOLIN
Comments are closed.