INAASAHAN ng Philippine National Police (PNP) na magiging mapayapa ang pagdaraos ng unang state of the Nation address ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay PNP Director for Operations Maj. Gen. Valeriano de Leon, ito ay kung ibabase sa mga nakalipas na inaugurasyon ng Pangulo kung saan sa mga freedom park sa siyudad ng Maynila nagsagawa ng pagtitipon ang iba’t ibang mga grupo.
Ayon kay De Leon, para sa SONA ng Pangulo sa Hulyo 25, pahihintulutan din ng PNP ang mga kilos protesta sa mga designated freedom parks sa lungsod Quezon.
Paalala ni De Leon sa mga balak mag-rally, ginagalang ng PNP ang kanilang karapatan na maghayag ng saloobin, pero inaashan din sila na gawin ito sa tamang lugar.
Ayon kay De Leon, may ipinagbilin narin ni PNP Officer in Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao sa mga pulis na naka-deploy sa SONA na ipatupad ang “maximum tolerance” sa mga magsasagawa ng kilos protesta, upang maiwasan ang komprontasyon.EUNICE CELARIO