MAR INENDORSO NI RECTO

Sen Ralph Recto-Mar Roxas

INENDORSO  ni Senador Ralph Recto ang kandidatura ni Mar Roxas na magbabalik sa Senado.

Ayon kay Recto, pihikan siya sa pag-endorso at naniniwala siyang ang kalidad ni Roxas ang kailangang makabalik sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Si Roxas ay isa  lamang sa piling panauhin na inimbita nina Recto at ng kabiyak na si Congresswoman Vilma Santos para sa miting de avance ng Team Bangon Lipa nitong unang linggo ng buwan na dinaluhan ng mahigit 20,000 mamamayan.

“Isang malaking karangalan na makibahagi sa inyong napakahalagang miting de avance. Sa kabila ng mga fake news at pang-iintriga, hindi kayo bumitiw. Magmula noon hanggang sa ngayon, si Mar Roxas nand’yan kasama ni Ralph Recto na nagli­lingkod nang tapat. Kaya nandito si Mar Roxas, nais magpatuloy ng kanyang paglingkod,” sabi pa ni Roxas.

Nang tanungin si Recto kung bakit inimbita si Roxas na hindi naman nila kapartido, sinabi  nitong: “Piling-pili naman ‘yung mga inimbita natin. ‘Yung mga karapat-dapat. Ang mga Batangueño ay magaling pumili. Ano man ang kulay ng partido mo, kumportable tayo. Ang mahalaga, ang mga karapat-dapat lang ang dapat nating iluklok sa Senado.”

“Nagpapasalamat ako sa mga Lipeño at sa mga Batangueno, sa kanilang mainit at matamis na pagtanggap dito. Of course ang nagpakilala sa akin sa kanila, ang ating minamahal na si Raffy Recto. In fact, this is a political earthquake kasi, siya Nacionalista Party, ako, Liberal Party, magkasama, so talagang malaking bagay ‘yan.” sabi pa ni Roxas.

Comments are closed.