(Marami nang taong nagugutom) METRO ‘DI FOREVER NA ILA-LOCKDOWN

metro Manila

HINDI maaaring manatiling naka-lockdown habampanahon ang National Capital Region (NCR) dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inamin kahapon ni  Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, kasunod nang pagpapaluwag na ng community quarantine na umiiral sa Metro Manila at apat pang karatig nitong lalawigan kahapon.

Ayon kay Vergeire, mismong ang mga economic manager na ang nagsabi na maraming tao ang magugutom kapag nagpatuloy pa ang pagpapatupad ng lockdown ng pamahalaan dahil hindi makakapagtrabaho ang mga ito.

Sinabi ni Vergeire na hindi lamang naman ang community quarantines ang tanging intervention upang malabanan ang COVID-19.

Tiniyak din nito  na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mapangalagaan ang publiko at maiwasan ang patuloy pang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Nauna rito, muling isinailalim ng pamahalaan ang virus epicenter na Metro Manila, at apat pang lalawigan sa dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa pagdami ng COVID-19 sa mga naturang lugar.

Gayunman, kahapon ay muli nang umiral ang mas maluwag ngunit mas istriktong general community quarantine (GCQ) sa mga naturang lugar.

“Even experts are saying we cannot remain in lockdown forever. Our economic managers also are advising based on the studies we have done that there are a lot of people who are going to go hungry already if we continue doing these lockdowns and ECQs,” paliwanag ni Vergeire, sa panayam sa telebisyon.

“Certain diseases aside from COVID-19 will become evident in the next few months if we continue to have this ECQ. That’s why government has to balance between health and the economy because economy also has health impacts,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Vergeire na sa halip na ECQs sa malalaking lugar, magpapatupad na lamang ang pamahalaan ng granular o localized lockdowns at istriktong pagpapatupad ng minimum health standards.

Aniya pa, nagsagawa na rin ang pamahalaan ng house-to-house symptom checking upang matukoy, ma-isolate, at masuri ang mga taong posibleng carrier ng virus.

“We were not aiming to finish, we were just priming the system and to show the local government that this can work. This was the objective. We did not see that as a goal we will finish in 2 weeks,” ani Vergeire. “We were able to start it with other localities, identifying close contacts, symptomatics and referring them to facilities.”

Plano rin aniya ng pamahalaan na higit pang paigtingin ang isinasagawang contact tracing upang mapigilan ang transmission ng virus.

“If we increase it to 10 or maybe 20, we will be able to have this appropriate number so that we can somehow contain the transmission,” aniya. “In this first 2 weeks we had MECQ we tried 1:10 so that resources would be sufficient. In the next weeks, we are looking at increasing this as well.”

Sinabi pa ni Vergeire na sinimulan na rin nila ang distribusyon ng mga washable at triple-layer na cloth face masks sa mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng Office of Civil Defense, upang maproteksiyunan rin sila laban sa virus.

Sa pinakahuling tala ng DOH, pumalo na sa halos 170,000 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa, habang nasa halos 113,000 naman ang mga recoveries at nasa mahigit 2,600 ang mga binawian ng buhay dahil sa sakit. ANA ROSARIO HERNANDEZ

7 thoughts on “(Marami nang taong nagugutom) METRO ‘DI FOREVER NA ILA-LOCKDOWN”

  1. 779988 792428Excellent editorial! Would like took pleasure the specific following. Im hoping to learn to read a lot more of you. Theres no doubt which you possess tremendous awareness and even imagination. I happen to be very highly fascinated utilizing this critical information. 79044

  2. 485469 658827 Youre so cool! I dont suppose Ive read anything like this before. So nice to locate somebody with some original thoughts on this topic. realy thank you for starting this up. this internet site is something that is required on the web, someone with slightly originality. beneficial job for bringing something new towards the internet! 783508

  3. 229359 438776Keep all of the articles coming. I really like reading by means of your points. Cheers. 568438

Comments are closed.