MARAMI NANG TAWILIS SA TAAL LAKE — DENR

TAWILIS-2

KINUMPIRMA ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) regional office sa Calabarzon na marami na ulit ang pambihirang isdang “tawilis” na makikita at maaani sa Taal Lake at ang kanilang nag-iisang tributary Pansipit River.

Ito ay matapos ang dalawang buwan na seasonal closure na ipinataw noong nagdaang dalawang buwan ng Marso at Abril ngayong taon para bigyan ng panahon ang spawning season.

Sa isang panayam kay DENR Calabarzon Regional Executive Director, sinabi ni Atty. Maria Paz Luna na nakatanggap na sila ng report mula sa mga kasapi sa industriya na nagpahayag ng pagkamangha sa malaking ani nila ng tawilis matapos ang spawning period.

“The closing season from March to April is still anecdotal as of now. I have asked our scientist partners and the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) experts who are now conducting their studies on the effect of the closed season,” ani  Luna.

Sinabi niya na naob­serbahan ang malaking pagbaba ng pangingisda dahil sa fishing prohibition sa tawilis na ipinataw noong breeding season.

Ini-report ng DENR regional office na may nag­reklamo pa tungkol sa illegal commercial fishers na sumuway sa closed season na siyang pinaka-aktibong spawning month para sa tawilis base sa  scientific research.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ni Associate Professor Alicia Pagulayan mula sa University of Santo Tomas (UST) Department of Biological Sciences, at Dr. Maria Theresa Mercene Mutia mula sa BFAR sa kanilang Tawilis Summit presentations nitong Pebrero ngayong taon.

“Titingnan namin kung ano ang realistic na mai-reserve, out of what BFAR said is necessary. Hinihiling na namin sa mga fish-erfolk na huwag munang pakialaman ‘yon pero wala pa kaming parusa sa pangingisda roon,” pagdidiin ni Luna.

Nakikipag-coordinate din ang DENR sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Que­zon) sa BFAR at mga kasapi sa pagpapatupad nang tinukoy na tawilis reserve areas o sanctuaries.

Ito ay ang ipinatutupad ng multi-agency Taal Volcano Protected Landscape Protected Area Manage-ment Board (TVPL PAMB) na mahigpit na pagsunod sa pinag-isang rules and regulations para sa pangi­ngisda base sa Republic Act 10654, o ang Philippine Fisheries Code of 1998, at pagsunod din sa Expanded National Integrated Protected Areas System (ENIPAS) Act sa loob ng inaalagaang karagatan.  PNA

Comments are closed.