MARAMI PA RING PASAWAY NA KANDIDATO – PNP

PNP-8

PANGASINAN – INAMIN ng Philippine National Police (PNP) na marami pa rin ang pasaway na kandidato.

Ito mismo ang inihayag ni Police Lieutenant Colonel Joseph Fajardo Jr., Officer in Charge ng Malasiqui Police Station.

Ayon sa opisyal, sa kabila ng kaliwat kanan nilang pagsasagawa ng ‘Oplan Baklas’ ay hindi pa rin umano matapos tapos ang pag aalis nila ng mga campaign materials o campaign posters na ilegal na nakakabit sa iba’t ibang lugar.

Katuwang ng Commission on Elections (Comelec) pati na ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ginagawa umano ng pulisya ang pagtatanggal ng mga samu’t saring campaign paraphernalia ng mga kandidato sa nasyunal na lebel.

Karamihan naman aniya sa kanilang binaklas ay posters na nakasabit sa poste ng koryente at nakapako sa punong kahoy.   EUNICE C.

Comments are closed.