MARAMING Pilipino ang inaasahang yayaman o giginhawa ang buhay dahil sa Chinese investments sa bansa, ayon sa real estate consultancy firm Santos Knight Fran.
Tinukoy ang resulta ng “The Wealth Report” survey, sinabi ni Santos Knight Frank chairman and CEO Rick Santos na ang ultra-high net worth individuals o yaong may $50 million o higit pang net assets sa Pilipinas ay tinatayang dodoble sa pagitan ng 2017 at 2022— ang second highest level of growth sa buong mundo matapos ang China.
“That growth is driven mainly by a bullish real estate industry, strong macroeconomic fundamentals and will be further fueled by the influx of Chinese investments into the Philippines through the Belt & Road Initiative,” wika ni Santos.
Ang resulta ng survey ay base sa sagot mula sa 541 sa world’s leading private bankers at wealth advisors, na kumakatawan sa tinatayang 50,000 kliyente na may pinagsamang yaman na $3 trillion.
Ayon kay Santos, ang Chinese investments sa bansa ay nakakuha ng momentum sa mga nakalipas na taon kasunod ng inisyal na pagbuhos ng capital sa pamamagitan ng Chinese business process outsourcing operations.
Ang investment ay pinalakas ng state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China noong Oktubre 2016, kung saan nakakuha ang gobyerno ng Pilipinas ng pledges na umaabot sa $24 billion upang tustusan ang mahahalagang infrastructure projects tulad ng toll roads at railway systems.
Comments are closed.