TINIYAK ng National Task Force against COVID-19 ang pagpapatayo ng mas marami pang quarantine facilities sa Laguna.
Ito ay para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pero asymptomatic o mayroon lamang mild na sintomas.
Ayon kay National Task Force Deputy Chief Implementer at Testing Czar Secretary Vince Dizon, gagawa ng hakbang ang pamahalaan para ma-convert bilang karagdagang isolation facility ang Cabuyao Athletes Basic School.
Isasagawa ito sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni Dizon, magbibigay rin ng mga kagamitan ang pamahalaan sa mga LGU na makatutulong para malabanan ang COVID-19.
Iginiit din ng kalihim ang pangangailangan para sa isang sistema na mag-uugnay sa mga pribadong kompanya, lokal na pamahalaan hangganng barangay level para mas maayos na matugunan ang COVID-19 pandemic.
Nangako naman si Dizon na magpapatuloy ang National Task Force Sa pagbuo ng mga inisiyatiba para maprotektahan ang kalusugan at kalagayan ng mga tinatawag na vulnerable sectors.
Comments are closed.