CAMP AGUINALDO – MAS malaking bilang ng mga biktima ang orihinal na tinarget sa naganap na pagsabog sa Basilan kung saan ibinaba sa 10 ang nasawi kabilang ang hinihinalang bomber.
Ito ang pahayag kahapon ni International Security Expert, Prof. Rommel Banlaoi, sa isang radio interview, batay sa impormasyong kanilang nakalap, mga batang dumadalo sa feeding program at nagce-celebrate ng Nutrition Month ang target ng pag-atake.
Pero dahil sa nakakasang mahigpit na seguridad sa lugar, sa checkpoint pa lamang ay naharang na ang sasakyan at napigilan ang posibleng mas marami sanang biktima ng suicide bombing.
Ito ay sa likod ng ginawang pag-ako ng ISIS na sila ang responsable sa naganap na car bomb attack sa Lamitan City sa Basilan kasabay ng paglantad ng isang litrato ng umano’y Morrocan na siyang umanong suspek sa pagpapasabog.
Hindi naman pinatulan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasabing pahayag at iginiit na kagagawan umano ito ng Abu Sayyaf na pinamumunuan ng isang Furuji indama.
Samantala, ayaw ring patulan ng National Intelligence Coordinating Agency-National Security Council ang pag-ako ng ISIS. Kaugnay nito, naglabas ng pahayag si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng pagkondena sa insidente. VERLIN RUIZ
Comments are closed.