MARAMING BATAS-TRAPIKO KULANG SA PAGPAPATUPAD

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Nakapanlulumo, nakalulungkot, ngunit dapat nating tanggapin ang katotohanang ibinabato ng mga traffic observer na napakara-mi nating batas-trapiko, ngunit kulang sa pagpapatupad.

Noong taong 2017, sinimulang ipatupad ang Anti-Distracted Driving Act (ADDA).

Sa ilalim ng batas na ito ay malinaw na itinadhana ang mga regulasyon sa paggamit ng mga gadget ha-bang nagmamaneho para mabawasan o maiwasan ang mga unexpected na aksidente sa pagmamane-heno.

Sa unang arangkada ng pagpapatupad ng naturang batas-trapiko ay naging masigasig ang mga traffic enforcer sa panghuhuli ng mga kapasadang ipinagwawalang bahala ang pagsasadiwa ng batas na ito.

Sa totoo lang, tama ang mga traffic observer na marami na tayong mga batas-trapiko at itong ADDA ay karagdagan sa sanda-makmak na batas para magkaroon ng disiplina ang mga motorist.

Kalabisan nang ulit-ulitin ng pitak na ito sa ating mga kapasada ang mga batas-trapiko na may kinalaman sa:

1. seat belt
2. helmet
3. pagmamaneho na nakainom ng ipinagbabawal na gamot
4. batas para sa kaligtasan ng mga batang sumasakay sa motorsiklo
5. paggamit ng sirena ng mga sasakyan
6. obligasyong paggamit ng early warning device (EWD).

Sa totoo lang, ni­ngas-kugon ang pagpapatupad ng mga nabanggit na batas sapagkat sa obserbasyon ng mga traffic observer na pawang sa simula lamang nagiging masidhi ang pagpapatupad ng mga natur-ang batas-trapiko.

Maraming dahilan ang pagkabigo ng nabanggit na batas para masagkaan ang mara­ming bagay na nag-bibigay ng sakit ng ulo sa mga mananakayang mamamayan at maging sa mabubuting drayber na masunurin sa batas.

Mayroon pang mga batas na nagbabawal sa maliliit na sasakyan na dumaan sa malalaking lansangan o highway, pagbabawal sa parking ng mga sasakyan sa gilid ng kalsada, at mga sasakyang nagbubuga ng mga nakakalasong usok?

Sa totoo lang, aminin natin ang katotohanan na sa rami ng mga nabanggit na batas ay patuloy pa rin tayong nakaka­kita ng mga motoristang walang disiplina habang namamayagpag sa kalsada sa iba’t ibang bahagi ng Kalakhang Maynila partikular ang nakape­pesteng buhol ng trapiko sa EDSA.

DAGDAG PERWISYO ANG TRAFFIC ENFORCERS NA NASUSUHULAN

Nakalulungkot banggitin, ngunit may katuwiran ang mga traffic observer sa pagsasabing dagdag-perwisyo sa mga pagbubuhol ng trapiko sa Metropolis ang ilang mga nagpapatupad ng batas na na-daraan sa suhol kapag natikitan ang isang motorist dahil sa paglabag sa batas-trapiko.
Mahirap pasinunga­lingan ang himatong ng mga traffic observer na talagang kulang sa atin ay ang ma-higpit na pagpapatupad ng mga batas na ito.
Sa maikling pananalita, ang istriktong walang kinikilingan o sini-sino kapag nahuli sa traffic violation. Kung gagawin lamang ng tama at maayos ng mga tagapagpatupad ng batas-trapiko ang kanilang mata-pat na pagli­lingkod, walang pagsalang titino ang mga pasaway na driver na walang hangad kundi ang kumita ng malaki kahit sa maling paraan.

ANG BUS AT PUJ LANES

I. WHAT ARE BUS AND PUJ LANES?

Ang BUS AT PUJ lanes ay laan lamang o esklusibo para sa paggamit ng buses at jeepneys. Ang mga ito ay matatagpuan sa linyang pinakamalapit sa sidewalk at hiwalay mula sa iba pang mga roadway sa pa-mamagitan ng yellow lane.

To further define the bus lanes, regulatory signs are placed on sidewalks along the lanes at suitable locations.

II. WHO CAN LOAD OR UNLOAD PASSENGERS ANG GOODS AT BUS AND PUJ LANES?

Only public utility vehicles are permitted to load or unload passengers or goods on the bus and PUJ lanes. Emergency vehicles and taxis are exempted from this restriction.

III. CAN PRIVATE VEHICLES MAKE USE OF BUS AND PUJ LANES?

Under normal circumstances, walang pribadong sasakyan, gayunman, maaari lamang pumasok sa bus at PUJ lanes only sa mga sumusunod na kadahilanan:

a. when making a right turn within a reasonable distance from the intersection.
b. when the roadway outside the bus lanes ay buhol ang trapik likha ng isang naganap na aksidente at
c. when parking for an emergency.

LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.

HAPPY MOTORING!

Comments are closed.