MARAMING SALAMAT PO, PBBM: AGRI SECTOR

BAGO po muna ang lahat ay lubos akong nagpapasalamat sa ating mabait, masipag at matalinong si Boss Edgard Cabangon and his executive and staff sa panibagong hamon na ipinagkatiwala sa akin na makapagsulat muli ng kolum sa dyaryong ito.

Maraming maraming salamat po Boss Edgard, mabuhay ka at ang Pilipino Mirror, salute!

o0o

Gumaganda na, tumataas na ang kita ng mga asosasyon ng magsasaka sa Isabela: maraming maraming salamat po, Pangulong Bongbong Marcos!

Kaya masaya ang Isabela farmers, sabi ni Noel Baquiran, municipal agriculturist ng Tumauini, Isabela, kasi, bilang acting Agriculture secretary, sineseryoso ng Pangulo ang suporta sa sektor ng magsasaka, lalo na ang magtatanim ng palay.

Dahil sa suporta ni PBBM, maayos ang kita ng mga magsasaka ngayong wet season ng taong 2023, at paano ito nangyayari?

Bumaba ang kanilang gastos dahil sa magkatulong na suporta ng DA, at ang P2 subsidy ng Isabela Provincial Government, tapos, mataas pa ang buying price ng National Food Authority.

Dagdag pa rito, sabi ng Isabela Federations of Irrigators’ Associations, P20 kada kilo ang bentahan ng wet palay, at ang dry palay, P26 kada kilo.

Unti-unti nang nakababangon ang ating magsasaka, sabi naman ni Samuel Lugo, pangulo ng Tumauimni Irrigation Pilot Area — na miyembro ng Federation of Irrigators dahil sa mataas na bentahan ng wet and dry palay, ganado sila ngayon na magtanim.

Kung noon ay wala silang sigla, dahil sa todo-suporta ng DA sa pamumuno ni PBBM tulad ng magandang rice breed, fertilizers at maayos na patubig, ang 4,000 na Isabela farmers ay masigla, masaya sa pagtatanim sa mahigit na 3,000 ektaryang lupang palayan ng Tumauini.

Ito pa ang magandang balita: sabi ng DA Regional Field Office ng Cagayan Valley, 5 metric tons per hectare ang karaniwang dami ng inaani, kaya ang average income ng bawat asosasyon ay P112,000.

Kaya, sabi ng DA regional field office, sa buong wet season ngayong taon, sa 326,301 ektarya na lupang palayan sa Isabela, makakaasa na makukuha ang target production na 606,826 tonelada ng palay.

Eto pa: as of September 30, sabi ng DA office ng Cagayan Valley, mayroon nang 108,528 ektarya ng lupang palayan ang na-harvest na, at ang produksiyon ay umabot sa 453,400 metric tons ng palay.

Magandang ani ito ngayong nalalapit na Kapaskuhan, at bunga ng ayuda ng DA at sa suportang subsidy ng pamahalaang lalawigan ng Isabela, magiging masaya sigurado ang pagdiriwang ng mga pamilya ng magsasaka sa lalawigan.

Kasama ang kolum na ito, pinasasalamatan natin si PBBM sa kanyang pagmamalasakit sa sektor ng pagsasaka, at alam natin, marami pang katulad na ayuda at programa para matulungan ang ating magsasaka sa 2024, maasahan nila ito.

At eto pa, yung tariff sa imported rice ay iaayuda sa tinatayang 2.3 milyong masasaka — na ang bawat isa sa kanila ay tatanggap ng P5,000 cash assistance.

Base kasi sa ulat, umaabot sa P12.7 bilyon ang nakolektang taripa o buwis sa imported na bigas noong 2022.

Upang maihabol sa holiday seasons, hopefully ay maire-release na ang P12.7 bilyon para sa Rice Farmers Financial Assistance Program (RFFA).

Itong ayuda na ito ay magagamit ng mga magsasaka, sabi ng Pangulo Marcos, sa mga gastusin para sa kanilang pananim.

Sa tulong ng P5,000, mapatataas ang produksiyon ng palay at iba pa halamang gulay ng ating magsasaka.

At alam n’yo ba, ang ating Pangulo ay nakikinig sa damdamin ng ating farmers, kung matatandaan, sa isang rally, nanawagan sila kay PBBM na wag payagan ang panukala ng economic team na babaan ang tariff sa imported rice.

Kasi nga naman, babaha ang imported rice na direktang kakumpetensiya ng ating local farmers, at kahit na nga bumabaha pa ng angkat na bigas, hindi naman naibaba ang presyo ng bigas.

Ang nakikinabang lang ay ang mga rice importers, hoarders at price manipulators.

Ang isa pang ikinatutuwa ng ating rice farmers ay ang panukalang batas na gusto ni PBBM na madaliing aprubahan ng House at ng Senate, at ito ay gawing krimeng economic sabotage ang price manipulation, smuggling, hoarding at iba pang gawaing makapipinsala sa agriculture sector.

Matatandaan na ibinasura ni Pangulong Marcos ang panukala ng kanyang economic team na babaan ang buwis sa imported na bigas bilang pagpabor sa mga Pilipinong magsasaka.

Sa ayuda program, ang tatanggap ay ang 2.3 milyong magsasaka ng palay na naka-rehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

At kasama sa benepisyaryo ay ang mga farm cooperatives associations (FCAs), irrigators associations (IAs), ¬ agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs), small water impounding systems associations (SWISAs), at iba pang farm groups.

Eto pa, inokeyan din ni PBBM na ipagamit ang P700 milyong excess tariff collections para sa “Palayamanan Plus” conditional cash transfer na nasa ilalim naman ng Household Crop Diversification Program.

Malaki ang maitutulong nito sa RSBSA-registered farmers na nakalista rin sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Makikinabang dito ang 78,000 benepisyaryo, at kasama rin sila sa tatanggap ng 10,000 bawat isa sa kanila.

Cheers at magandang buhay ngayong Kapaskuhan sa ating sektor ng agrikultura at ang lahat ng ito ay dahil sa malasakit ni PBBM.

o0o

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa [email protected].