MARAMING SENADOR PABOR SA PAG-AALIS NG ECONOMIC RESTRICTIONS NG KONSTITUSYON

Iginiit  ni Senate President Juan Miguel Zubiri  na ang pagdinig ng Senado na ginanap sa Baguio City tungkol sa pag-amyenda sa Konstitusyon ay “napaka-encouraging” dahil malaking porsyento ang pabor sa pag-aalis ng economic restrictions.

“Very encouraging ‘yung hearing namin today because if you noticed, majority… almost 95 percent are in favor of lifting the economic restrictions in the Constitution,” sinabi ni Zubiri sa isang press briefing.

Magsasagawa rin ng mga pagdinig ang mga senador sa Cebu at Cagayan de Oro at tatapusin ang committee report.

Naniniwala si Zubiri na lalagdaan ng mayorya ang committee report ni Sen. Sonny Angara, chairperson ng Subcommittee on Resolution of Both Houses No.

“I think we will be able to get a majority to sign the committee report of Senator Sonny Angara and the subcommittee,” aniya.

“‘Yun nga lang ay mayroon din tayong mga senador na tumututol dito kaya kailangan po namin silang kumbinsihin na ito ay maganda para sa ating bansa,” dagdag pa niya.

LIZ SORIANO