MARANAN BAGONG PIO CHIEF

ITINALAGA ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo S. Azurin Jr. bilang bagong Public Information Office (PIO) Chief na si Col. Redrico A. Maranan kapalit ni Brig Gen. Roderick Augustus Alba.

Ito ay makaraang ilipat ng puwesto si Alba bilang director ng Police Regional Office 7 o Central Visayas.
Bago iniwan ni Alba ang Camp Crame patungong Central Visayas ay nagpasalamat ito sa PNP Press Corps sa mahigit isang taong koordinasyon.

Samantala, ang bagong PIO chief ay nagsilbing provincial director ng Pangasinan, Group Director ng Intelligence Training Group, naging hepe ng Bacoor at Imus sa Cavite; Intel Officer sa Cavite, Chief of Staff ng PNP Drug Enforcement Group, hepe ng District Director Staff at Deputy District Director for Operations sa Quezon City Police District.

Si Maranan ay miyembro ng PNP Academy Class 1995 at tumanggap na ng mahigit 100 PNP medals kasama na PNP Heroism Medal and PNP Distinguished Service Medal, Hall of Fame awardee ng PNPA Alumni Association at iba.

Nagtapos bilang Cum Laude at pinarangalan bilang Best in Oral Revalida in Masters in Business Administration sa Wesleyan University. EUNICE CELARIO