MARAWI REHAB GROUNDBREAKING TULOY NA SA OKTUBRE 17

Task Force Bangon Marawi chairperson Eduardo Del Rosario

SA WAKAS ay itutuloy na ng gobyerno ang groundbreaking rites sa Oktubre 17 bilang hudyat ng pagsisi­mula ng rehabilitasyon ng Marawi City.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi chairperson Eduardo Del Rosario, ang groundbreaking ay sisimulan sa pamamagitan ng debris clearing sa 6-hectare area na labis na naapektuhan ng limang buwang giyera.

Nagkakahalaga ng P75 million, ang debris clearing operations ay isasagawa ng isang local firm.

“After debris clearing, we will undertake road network construction with underground facilities. Once it is done, we will proceed with vertical structures, construct 320 classrooms, 24 barangay centers, a convention center, grand central market, school for living tradition, parking area, and so forth,” wika ni Del Rosario sa press briefing sa Malacanang.

Naunang itinakda ng pamahalaan noong ­Hunyo ang groundbreaking  para sa rehabilitasyon ng Marawi na may kabuuang halaga na P16 billion, subalit dahil sa mga problema sa procurement process ay napilitan ang gobyerno na ipagpaliban ito ng maraming beses.

Pinawi rin ni Del Rosario ang mga pangamba na hindi pa handa ang  ground zero ng lungsod para sa rehabilitasyon dahil sa presensiya ng unexploded ordnance  na naiwan matapos ang siege.

Target ng pamahalaan na makompleto ang rehabilitasyon ng ground zero sa fourth quarter ng 2021, ilang buwan bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo ­Duterte.

Comments are closed.