MARAWI WEEK OF PEACE IDINEKLARA

MARAWI

IDINEKLARA na ng Sangguniang Panlungsod ng Islamic City ng Marawi ang Mayo 17 hanggang 23 kada taon bilang “Marawi Week of Peace.”

Nagpasa ng ordinansa si Marawi City Mayor Atty. Majul Usman Gandamra sa ilalim ng Resolution 93 series of 2018 na nag-aatas sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno ng lungsod, mga ahensiya ng pambansang pamahalaan, mga Civil Society Organizations (CSOs), relihiyon at pribadong sektor upang suportahan ang pagdiriwang.

Ito ay pagbibigay galang sa pagkilos ng kabayanihan at katapangan ng mga namatay at nakaligtas sa pagkubkob noong Mayo 23, 2017, na inilunsad ng teroristang ISIS.

Mahalagang ipahayag ang isang espesyal na linggo ng kapayapaan, isang linggong pagdiriwang upang gunitain ang trahedya na insidente at magsilbing isang paalala para sa lahat ng mga nasasakupan.

Nagmamarka din ito ng bagong simula ng mga mamamayan ng Marawi na sumusulong sa isang matagal at pangmatagalang ka-payapaan.

Itinuturing itong pinakamagandang oras o araw kung kailan puwedeng pag-usapan ang kapayapaan.

Ang Marawi Week of Peace ay magbibigay ng suporta sa socio-eonomy sa mga pamilya ng IDP, spiritual development lalo na sa mga kabataan at itaguyod ang social healing.          VERLIN RUIZ

 

Comments are closed.