MARBIL SA POLICE FORCE: UMIWAS SA POLITIKA

DAHIL simula na ng certificate of candidacy bukas, October 1, inobliga ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil ang kanyang mga opisyal at mga tauhan na masangkot sa pamumulitika gaya ng pag-impuluwensiya kung sino iboboto at maging sa kampanya.

Inatasan din ni Marbil ang kanyang mga tauhan na ideklara sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM)  ang mga kaanak sasabak sa 2025 national at local elections.

Pinabalik na rin ni Marbil ang mga police escort sa mga lehitimong unit sa lalong madaling panahon.

Ayon kay PNP Spokesperson Colonel Jean Fajardo, ang utos ni Marbil ay bilang proteksyon sa mga pulis mula sa partisan politics kaya inoobliga ang mga ito na ideklara kahit pa walang kaanak na sasabak sa susunod na eleksyon.

Natukoy ng PNP ang mga pulis na may mga kamag-anak na tatakbo sa halalan sa susunod na taon lalo na sa local level kaya sinabihan na ililipat ng assignment.

“Doon sa mga pulis natin na may mga kamag-anak po, mga relatives o mga kakilala na tatakbo doon sa kanilang place of assignment ay iliipat po yan at ngayon ay nag-iimbentaryo na po yung ating Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) at pinapa-declare na rin kung sino yung may mga kamag-anak,” paliwanag ni Fajardo.

Muling binigyang-diin ni Marbil ang responsibilidad ng PNP na itaguyod ang batas at kaayusan ng walang anumang pagkiling o partisan sa pulitika.

EUNICE CELARIO